Chapter Seventeen

271 2 0
                                    

Hindi ko akalain na magkakaayos kami sa simpleng pag uusap lang. Ang akala ko ay galit pa rin sya sa akin matapos ko syang ipagtabuyan. Masaya ako at nagkaayos kami. Sobrang saya...

Matapos naming mag usap ay nag presenta syang ihahatid nya ako sa bahay. Ngunit tumanggi ako. "My friends are waiting for me. Nasa canteen sila ngayon. May kukunin lang ako sa locker pero nakita kita... so ayon." Kinagat ko ang labi ko at nag iwas ng hindi ko na alam ang idudugtong ko.

Tumango sya "Can I come with... you?" Nag aalangan nyang tanong.

Napatingin ako sa kanya at nginitian sya "If you want to... Why not. In fact okay na naman tayo." Sabi ko ng nakangiti.

Nginitian nya ako pabalik "Okay. Let's go." Anyaya nya.

Tumango ako at naunang maglakad sa kanya. Sumunod naman sya. Nang mag pantay kami sa paglalakad ay tahimik lang kami habang papunta sa canteen.

"Uh" pagbasag nya sa katahimikan. Nilingon ko sya "About the kiss..." Sabi nya. Kumunot ang noo ko. Is he talking about Aura? "I-I d-din't kiss her. Nagpunta sya sa bar noon at sinabi nyang gusto nya akong makausap-" He explained. Bakit sya nagpapaliwanag sa akin.

Napatigil ako sa paglalakad kaya naman tumigil din sya. "Why are you explaining this to me? You should explain this to Sabrina. She's hurt." Sabi ko ng hindi sya tinitingnan.

Ramdam ko ang paninitig nya kaya mas lalong hindi ako makatangin. Tumingin ako sa paligid maliban sa kanya. Nahagip ng gilid ng mata ko ang mariin nyang pag pikit at pagbuntong hininga "I did. I explained everything and she listened" sabi nya.

"And?"

"Gusto nyang magbalikan kami..." Napatingin ako sa kanya na nakatitig din sa akin.

"Every one deserves a second chance. She really loves you. Dapat ay inaalagaan mo ang isang katulad nya." Sabi ko ng nakangiti.

"Pero-"

"No buts. I know you love her too. Go. Talk to her" pagtaboy ko sa kanya.

"Do you really want me to do that?" Seryoso nyang tanong.

Nag iwas ako ng tingin. Kumirot ang puso ko sa tanong na iyon. Ilang beses ko pa ba syang pagtatabuyan dahil lang sa takot na akong mawalan? Hindi ko rin alam. Hindi ko na alam. Ilang sandali akong natahimik at tsaka nag salita. "Y-yes. You look perfect together." Sabi ko ng nakatingin ng diretso sa mga maya nya.

Pumikit sya ng mariin "I'll do it then." Bumagsak ang tingin nya sa akin. "If you said so..." Mahina nyang sambit.

"Uh. Goodluck!" Sabi ko.

Damn you, Loui! Masaya ka ba talaga? Ayan ba talaga ang gusto mo? Siguro ay mabute na din yon. 3 buwan din silang magka relasyon at alam kong napamahal na sila sa isa't isa. Alam ko din na wala na ako para kay Rafael. Alam kong wala na yong nararamdaman nya para sa akin. Kaya kung ano man ang nararamdaman ko ngayon ay ititigil ko na lang din.

Naglakad kami patungong canteen at nadatnan doon ang mga kaibigan ko. Napatingin sa direksyon namin si Nathalia na nanlalaki ang mata at nakangisi. Kinulbit nya si Joey at ininguso kami. Kumaway si Joey sa amin.

"Oh, look who's here" natatawang sambit ni Chloe.

"Okay na pala kayo?" Nakangiting wika ni Joey.

"Yup." Sagot ni Rafael. "Loui, what do you wanna eat?" Baling nya saakin ng makaupo na kami. Napatingin ako sa mga kaibigan kong nakatuon sa aming dalawa ang atensyon.

"Uh. Ako na-"

"No. Ako na. What do you want?" Tanong nya.

"Uhm fries and burger na lang. Thanks" nahihiya kong sambit.

Falling in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon