"So... You know each other?" Dad asked.
Bumaling siya sa lalaki. What his name again?
"I know her..." Wika niya kay Daddy.
Kumunot ang noo ko.
How come he knows me?
"You know me?" I asked.
Ngumisi lamang siya at hindi sinagot ang tanong ko. I'm not interested though. I wasn't that surprised that he knows me.
Narinig ko ang pagsinghap ni Daddy.
"By the way, Rafael, she's my daughter, Louise. Louise, he's Rafael." Pag papakilala ni daddy. Tumango ako. "His dad invested in our company." dagdag nya.
"Okay..." tipid kong sagot. Bahagya nya akong tiningnan. "I'll go upstairs dad. Medyo pagod lang." Sabi ko at naglakad papunta sa kwarto ko.
Nang makarating ako sa kwarto ko ay dumiretso ako sa banyo para maligo.
Ilang minuto ang lumipas at bumaba na ulit ako. Naka oversized t-shirt at short shorts lamang ako. Mas komportable kasi ako ng ganoon ang suot.
Dumiretso ako sa kusina para kumain. Ngunit natigilan ako nang nakita ko na naman yung lalake na iyon. Umiinom ng tubig. Nakatukod sa lamesa ang kanyang isang kamay habang nakaangat ang isa para makainom ng tubig.
Bahagya akong tumikhim. Nilingon nya ako at ibinaba ang tingin sa suot kong shorts. Tumaas ang aking kilay sa kanyang ginawa.
"What are you looking at?" Mahina pero mariin kong tanong.
Napalunok sya at tumingin sa mga mata ko. Ang ganda talaga ng mata nya. "Oh, I-I'm sorry" he smiled.
Tinalikuran ko sya at pumunta na lang sa garden. Hindi na ako nakakain dahil sa kanya!
Maya maya ay narinig ko ang yapak ng isang tao. Nilingon ko iyon at nakita ko na naman sya. What's his name again? Uh. Don't remember.
He stared at me. Urgh! What's with this guy?
"What? Are you following me?" Mataray kong tanong.
Tumikhim sya at umupo sa tapat ko "Wala naman. Masama na ba ang tingnan ka?" Balik nyang tanong.
Hindi! Tinitigan mo lang naman ako! "Stop. Staring. At. Me and get the hell out of my sight!" mariin kong sinabi.
Iniisod nya ang upuan para mag katabi kami. Nagulat ako sa ginawa nya pero di ko iyon pinakita. Sa halip ay binalewala ko yon. "So, you live here huh?" At inilibot ang mata nya sa mansyon. Hindi ako nagsalita.
"Ganyan ka ba talaga? Tahimik?" He asked. I didn't answer.
Ilang minutong katahimikan ay nag salita uli sya.
"Louise..." He called me. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nag salita na din ako.
"Shut up! Will you please leave me alone? Hindi ko kailangan ng kausap." Sabi ko.
Tumayo ako at naglakad papunta sa loob ng bahay. Pero bago pa ako makalayo ay hinawakan nya ang braso ko. Tiningnan ko iyon at napatingin din sya doon pero hindi sya natinag. "Bitawan mo ko." utos ko.
"What's with you? Nagtatanong lang ako." Sabi nya at hawak pa rin ang braso ko.
Matalim ko syang tinitigan "I said let me go." ulit ko at hindi sinagot ang tanong nya.
Urgh! This guy is pissing me off.
"Nagtatanong lang ako, bakit ka nagagalit?" Tanong nya ulit.