Nakapikit kong kinuha ang cellphone kong kanina pang tunog ng tunog. I answered the call without even looking at the screen.
"Hello?" Sagot ko gamit ang inaantok na boses.
"Oh my god Loui! Finally, you answered my damn call! Kanina pa ako tawag ng tawag sayo pero hindi ka pa rin sumasagot! Ano bang ginawa mo last night at late ka na nagising?" Pagsesermon nya.
"Look Joey,Wala akong oras para makipag away sayo mag hapon. Antok pa ako." sabi ko at akmang ibaba ang tawag ng mag salita sya.
"Wow ha. Nakakahiya naman sayo. Nagising pa kita. Sya matulog kana uli. Bye" sarkastikong wika nya at binaba ang tawag.
Urgh! Ang gaga talaga ng babaeng ito!
Tatawagan ko na sana sya ng tawagan nya uli ako. Oh god! Crazy, isn't she? Yea. We're not best friends for nothing.
"What the hell Joey?" Pagbungad ko sa kanya.
"Oh yan gising kana. So pwede na kitang makausap?" Urgh! Really.
"What the?! It's Saturday for Pete's sake! What do you want Joey Katrina?!" Galit kong tanong.
"Nothing, gusto ko lang sanang sabihin sayo na pupunta ako-" sabi nya at di ko pinatapos sa pag sasalita.
"What?! Yun lang?"
"Patapusin mo muna ako pwede? No! All the gang!" Sabi nya.
Nanlaki ang mga mata ko. "W-what?! Now na?" Natataranta kong tanong.
Napabangon ako sa kama at napaupo. Ang mga baliw! Bigla bigla na lang pupunta dito nang hindi ko alam? Shit!
"Yes. On the way na din sila. I'm with the girls. See you later best friend! Bye" sabi nya at agad binaba ang tawag.
Urgh! Tumayo ako at dumiretso sa banyo at agad agad naligo.
Nag suot ako ng red strap shirt na labas ang pusod at isang short shorts. Kinuha ko ang pula kong sapatos na vans at isinuot iyon. Itinali ko ang buhok ko at hinayaan ang konting buhok na nakalawit.
Nakaharap ako sa salamin nang narinig ko ang tawanan nila. So they're here already. Tiningnan ko ang orasan at nakitang mag aalas dos pa lang.
Bumuntong hininga ako at saka tumungo sa pinto palabas sa kwarto ko.
Nang bumaba ako ay naagaw ko ang atensyon nila. Lumapit ako sa kanila at tumayo sa harapan nila. "What's bring you here?" Tanong ko at isa isang tiningnan ang 8 taong nasa harap ko.
"Wala trip lang namin." Pilosopong sagot ni Joey. Tiningnan ko sya ng matalim kaya naman tumigil sya at nag salita ng ayos. "Okay. Napag desisyonan lang namin na dito kami mag oovernight." Sabi nya.
"Bakit sobrang aga nyo?" Tanong ko at tiningnan uli sila isa isa.
"Kailangan talaga gabi kami pupunta dito?" Pilosopong tanong ni Nathalia.
"Nathalia!" Sigaw ko sa kanya." Masyado kayong maaga. It's only 2 pm in the afternoon! Tas biglaan na lang kayong pupunta" sabi ko at inirapan sila.
"We wanted to surprise you.." Singit naman ni Cassy. "But, this girl" sabay turo kay Joey "hindi makatiis." Sabi nya sabay irap doon.
"Chill, Loui. Ang tagal na din naming hindi nakapunta dito. Kaya nga inagahan na din namin eh. Para mahaba ang usapan. Diba?" Travis said.
Tinaasan ko sila ng kilay "ang dami nyong alam! Dun tayo sa garden" sabi ko sabay turo doon sa direksyon.
Habang papunta kami doon ay biglang tumabi sakin si Joey "Where were you yesterday?" Biglaang tanong ni Joey habang nakangiti.
"Mall." Tipid kong sagot.