Chapter Forty-Three

163 3 0
                                    

Sa sumunod na araw nang nag hapon ay hinanap ko si Sabrina sa school. Ngunit hindi ko sya nahagilap.

Tumunog ang cellphone kong ilang araw ko ding hindi nagamit. Madaming messages ang natanggap ko galing kay Rafael at sa mga kaibigan ko. Ilan lang sa mensahe ni Rafael ang binasa ko. Sina Joey naman ay tinanong lang kung bakit hindi ako pumasok noong araw na iyon. Nabasa ko din ang text ni Nigel na kinakamusta ako kung okay na daw ba ako.

Napasinghap ako ng maalala na naman ang pangyayari noong isang araw sa amin ni Nigel. Kamusta na kaya iyon? Hindi ko pa sya nakikita mula noong araw na iyon.

Sinagot ko ang cellphone kong kanina pang tunog ng tunog. Dinungaw ko ang screen at nakitang si Rafael ang tumatawag. Agad ko iyong sinagot.

"Hello, Rafael?"

"Loui... Where are you?" Narinig ko ang mabibilis na hinga nya. Siguro ay nag lalakad iyon.

Luminga linga ako bago sagutin ang tinatanong nya "Uh, malapit sa gym. Hinahanap si Sabrina." Sabi ko.

Narinig ko ang pag singhap nya. "Stay there. Pupuntahan kita diyan." Aniya.

Tumango ako kahit hind nya naman ako nakikita "Okay." Sabi ko at pinatay ang tawag.

Saan ko naman mahahagilap si Sabrina? How can I talk to her if I don't know where is she? Urgh! She probably went home? I don't know.

Napatingin ako sa may gym at nanuod sa nag papractise ng basketball at sa mga cheerleaders na mukhang kinikilig at halos mapaos sa kakatili.

Nahagip ng mga mata ko ang dalawang pamilyar na babae. Mga kaibigan ni Sabrina. Tumayo sila at nakita kong sinalubong nila si Sabrina. Ngumiti ito sa kanila at nakipag beso.

Nakita ko ang pag linga linga ni Sabrina at umalis sila doon sa gym patungo sa kabilang building doon sa school.

Kumunot ang noo ko. Where are they going? Bakit pati sila magkakasamang tatlo? Ang weird naman ata.

Nag martsa ako patungo doon dahil gusto ko na ding makausap si Sabrina.

Nakita kong pumasok sila sa isang abandonadong classroom, kaya sinundan ko sila.

Nang makarating ako doon ay napatigil ako sa narinig ko. Hindi ko gustong makinig sa usapan nila ngunit may narinig akong ikinatigil ko "Gosh Sab! You're a good actress huh? Biruin mo, napapaniwala mo silang may amnesia ka? Oh my god, girl." Sabi ni Kayla.

Nanlaki ang mga mata ko. What the hell?! Did I hear it right?! Walang amnesia si Sabrina? Nag papanggap lang siya?

"I thought you really had amnesia! Buti na lang at sinabi mo samin ni Kayla!"

Gustong gusto ko na siyang sugudin ngunit narinig ko pa ang sinabi ni Kayla

"Sab, kamusta kayo ni Rafael? Okay ba iyong plano mo?"

What are they talking about? Anong plano? Inilapit ko pa lalo ang tainga ko para marinig ko ng mabuti ang pinag uusapan nila.

"Oh yes. Louise saw us kissing at the bar. I texted her, using Rafael's phone, telling her na mag punta doon and she did. When I saw her, I started to kiss Rafael... If you were there, you'd see how shock she was... " Natatawang wika ni Sabrina.

Oh my god! Did I hear it right? Plinano nya iyon? I can't believe her! Paano nya nagawa iyon?

"Ano pa kaya if they will figure out that you don't have amnesia. That you perfectly remember everything?"

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Lahat ng dugo ko ay nag akyatan sa aking mukha. Paano nya nagawang mag panggap? Bakit niya nagawa iyon?

"Hindi nila malalaman kung walang mag sasabi." Ani Sabrina.

Falling in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon