Chapter Forty-Two

142 2 0
                                    

Natapos ang klase ko nang iniisip kung anong sasabihin kay Rafael. Natapos ang mga oras na iyon ng sya ang iniisip ko. Huminga ako nang malalim at niligpit na ang mga gamit ko.

"You sure kaya mong mag isa?" Tanong ni Nathalia habang nanunuod sa akin.

Nag angat ako nang tingin at nginitian sya. "Kaya ko Nathalia. Don't worry" sabi ko.

Narinig ko ang pag singhap ni Joey "Hintayin ka na lang namin-"

"Hindi na. Umuwi na kayo. I'll call you later okay?" Pag putol ko sa kanya.

Tumango na lang sila at nag paalam na sa akin. Naiwan ako sa room. May iilan pa akong kaklaseng nadoon na nag liligpit pa rin ng gamit.

Isinabit ko ang aking bag sa balikat at humugot ng malalim na hininga. I can do it. Mag uusap lang kayo, Loui. Calm down.

Naglakad ako palabas ng classroom. Habang naglalakad ako ay iniisip ko kung anong kalalabasan ng usapan namin. Kung anong eksplenasyon ang maibibigay nya.

But then, I realized that he doesn't even need to explain himself. I should be the one who has to understand our situation.

But hell no. Hindi ako iyong tipo ng tao na mananahimik lang sa isang tabi at magpapakatanga. Tama na iyong isa o dalawang beses na napagbigyan ko si Sabrina ngunit hanggang doon na lang iyon.

Ilang minuto pa ay nakadating ako doon sa park malapit sa school. Tumigil ako sa paglalakad ng matanaw ko na si Rafael doon na nakaupo at halatang hindi mapakali. Hinilamos nya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. Humakbang ako at nakita ko pang pinadaanan nya ng kamay ang kanyang buhok.

Napalunok ako at tumikhim nang makalapit na ako sa kanya. Nakita ko ang halos pagtalon nya nang tumayo sya.

Napaawang ang bibig nya ngunit walang salita ang lumabas doon. Humakbang sya palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap na iyon. Napapikit ako sa ginawa nya. Isang yakap nya lang nawala ang galit ko. Isang yakap nya lang nawala ang mga pangamba ko. Isang yakap lang mula sa kanya ay napanatag ang loob ko.

Hindi ko sya niyakap pabalik pero hindi pa rin nya ako binitawan. Nagtindigan ang mga balahibo ko sa haplos ng kamay nya sa likod ko.

Nang sa wakas ay nag desisyon syang pakawalan ako ay nakahinga ako ng maluwag. Nagtama ang tingin namin at nakita ko sa mga mata nya ang lungkot at pagod. Napalunok ako.

"Loui. I'm sorry if I hurt you. But believe me, hindi kita niloko. Ikaw ang mahal ko." Aniya.

Hindi ako nag salita. Nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi nya iyon nang nakatitig din sa mga mata ko. Hindi ko alam kung paano ko sya nagawang titigan pabalik. Shit, I missed him. Really.

Nangilid ang mga luha ko ngunit tumingala ako para pigilang pumatak iyon. Hinintay kong ipag patuloy nya ang sinasabi nya kahit hindi ko na naman kailangan ng ekplenasyon niya. Ayos na sa akin ang isang yakap. That's enough.

Pinasadahan nya ng mga daliri ang kanyang buhok. Bago mag salita uli.

"That day. I was mad at you, really mad." Aniya at napapikit. "Nakita kong magkayakap kayo ni Nigel. Umuwi lang ako ng bahay ay iyon na agad ang nakita ko pagbalik ko ng school. Naisip kong baka narealize mo na sya pala ang mahal mo at hindi ako. That night, nag punta ako sa bar para magpakalasing. Makalimutan ang galit at pagseselos but damn, it's useless..." Nanghihina ang boses nya nang sinasabi nya ang mga salitang iyon.

Hindi ako nagsalita, hinihintay na dugtungan nya iyon. "Sabrina came there too. Hindi kami magkasama, Loui. Believe me. I was alone when I came there." Aniya.

Falling in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon