Tahimik kaming nakarating sa mall. Dumiretso kami sa parking lot. Sabay kaming bumaba ni Nathalia roon at nagtungo sa elevator.
Tumunog ang cellphone ni Nathalia nang nasa elevator na kami. Pinagmasdan ko ang pagkuha niya noon at ang pagtaas ng kilay niya. Suminghap siya bago sagutin ang tawag.
"We're here. Wait lang, nasa elevator kami." Irap niya sa kawalan.
Binaba niya ang tawag at tumingin sa akin. "It was Chloe. Naiinip na daw siya." She pouted.
Ngumisi na lang ako at umiling. Tumunog ang elevator at lumabas kami doon. Dumiretso kami sa nasabing starbucks. Nakita ko agad si Chloe na inip na palinga linga at nilingon ang cellphone niya at nagsimulang mag pipindot doon. Si Cassy naman ay sumisimsim mula sa tasa. Sa harap nila ay may isang lalaki ang doon ay nakaupo. Kumalabog ang puso ko sa kaba at saya.
Itinulak ni Nathalia ang pintuan ng starbucks at agad naman kaming nakita ni Chloe. She looked bored. Dumiretso kami sa table nila.
"Loui!" Sinalubong ako ni Cassy ng yakap.
Ngayon lang kami nagkita. She's been in Cebu for two weeks kaya di sa cellphone lang kami nagkausap.
"Namiss kita!" Aniya at nagbeso sa akin.
"I missed you too, Cassy." Ngiti ko at nilingon ang lalaking hindi man lang nag abalang tumayo mula sa kinauupuan.
I wonder kung galit pa din siya sa akin? Ngunit nasagot ang tanong ko nang unti unti siyang tumayo at binalingan ako ng nakangiti.
He changed a lot. Ang kanyang pangangatawan ay mas lalong lumaki at ang mukha niya ay mas nag matured. Lumapit siya sa akin at naglahad ng braso, naghihintay sa paglapit ko. Napangiti ako at tinanggap ko ang yakap na iyon.
Naamoy ko ang bango niya!
"Nigel..." Sabi ko.
"Loui... Damn girl, I missed you." Bulong niya sa aking tainga.
Tumindig ang balahibo ko sa kanyang boses. Kumalas ako sa pagkakayakap at nagulat ng makitang mas tumangkad siya ngayon. Kung dati ay umaabot ako sa kanyang panga ay ngayon ay hanggang balikat na lang ako.
"Kamusta?" I asked him. I bit my lower lip. Hindi ko alam ang sasabihin at tanging iyon lang ang lumabas sa aking bibig.
Ngumiti siya sa akin at "I'm fine. Perfectly fine. Ikaw? Kamusta ka?"
Tumango ako "okay naman." Tanging nasabi ko.
Tumango siya at napawi ang ngiting iginawad niya sa akin "I'm sorry for what happened years ago. I'm sorry for not being there when you needed a shoulder to cry on." nagulat ako sa seryoso niyang sinabi.
Naramdaman ko ang titig ng tatlo sa aming dalawa. Narinig ko ang pagtikhim ni Chloe. Ako naman ay natigilan at napatitig sa mga mata ni Nigel na puno ng panghihinayang para sa akin. Hindi na ako magtataka kung paano at saan niya nalaman.
Pinilit kong ngumiti. Naka moved on na ako right? Anong inaarte mo diyan?
"It's okay, Nigel. Masaya na ako ngayon at nakalimutan ko na iyon. It's been what? Seven years?" Naiiling kong wika at naupo sa tapat ni Chloe.
Naupo sa aking tabi si Nigel. Si Nathalia naman ay tumabi kay Chloe na ngayon ay busangot na ang mukha.
"Nigel, asan na ba si Lance?" Naiiritang tanong ni Chloe kay Nigel.
Nagulat ako sa kanyang tanong. They're together? Nakumpirma lang noon ang mga naiisip ko. Napatingin ako sa kanya at nagtaas lamang siya ng kilay. Nag iwas ako ng tingin at bumaling kay Nathalia na nagugulahan din.