Isang linggo. Isang linggo ang dumaan. Isang linggo na akong nasa bahay lang. Isang linggo mula noong huli kong nakita si Rafael. Isang linggo mula noong huli kaming nagkausap. I was looking out of the window as I watched the rain falling down. Kasabay nang mga ulan na iyon ay ang mga luha sa aking mga matang hindi maampat sa paglandas. Gusto ko silang intindihin kung bakit nila ito ginagawa ngunit ayaw pumasok sa isip kong para iyon sa akin. I took a deep breath as I wiped my tears away. Kinapa ko ang kwintas na ibinigay sa akin ni Rafael. Kinalas ko iyon at pinagmasdan ng maayos. Ang infinity sign at ang initial ng pangalan ko ay kumikinang na para bang nagkakasiyahan ang mga iyon. I sighed. I miss Rafael. I really miss him. I want to be with him right now...
Naalala ko noong nakita niya kami ni Rafael. Galit na galit ang kanyang mukha, ang mga mata niya ay nanlilisik na parang ang laki ng kasalanang nagawa ko. Hinila niya ako palabas ng ristoranteng iyon at pilit isinakay sa kotse. Si Rafael naman ay hinabol kami ngunit huli na dahil umandar na iyong kotse.
Halos tumusok ang mga kuko niya sa aking braso. Umiiyak siya habang pinagsasabihan ako nang makarating kami ng bahay.
"Hanggang kailan mo kami susuwayin? Oo nga at sinusuportahan kita sa mga gusto mo ngunit lahat ng bagay ay may limitasyon, Louise Samantha! Kung nagrerebelde ka dahil sa ginawa ng daddy mo ay siguro ay masasabi ko ngayong tama ang desisyon niya! Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin sayo dahil hindi ka din naman nakikinig!" Tumaas ang boses ni mommy.
Ang mga maids ay nakatingin na sa amin. I bit my lower lip. Napaluha ako. Napaluha ako hindi dahil sa sakit sa aking braso kundi dahil kahit ang sarili kong ina ay sumuko na ding suportahan ako. Na kahit siya ay nag sawa na sa kakasabi sa aking hindi ko naman sinunod.
"I-I'm sorry mom-" sabi ko gamit ang nanginginig na boses.
"Bakit ka ba nagkakaganyan, Louise Samantha?! Hindi ka naman ganyan dati! Hinahayaan ka namin ng daddy mong magpunta sa mga bars na iyan o mag inom pero hindi ka kailanman naging suwail! Hindi mo pa kami kailanman sinuway!" Aniya.
Napapikit ako at yumuko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Lahat na yata ng gusto kong sabihin ay nasabi ko na. Hindi nga lang ako nila maintindihan.
Hindi ko alam kung alam na ni daddy iyong nangyari o hindi. Hindi pa din ako kinakausap ni Daddy at ngayon ay maging si mommy ay galit na din sa akin. I was hugging myself, I felt alone. Palagay ko'y naiwan akong mag isa sa dilim at hindi ko alam kung makikita pa ba ang liwanag na hinahangad. Palagay ko'y wala akong maaasahan kundi ang sarili ko. Kahit si Rafael ay palagay ko'y nawala ko na din. I coudn't help but cry. I miss him. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanya. Isang araw ay nag pumilit siyang pumunta dito ngunit hindi siya pinapasok ng mga guards. Sinabi iyon ni Manang sa akin. Sinabi niya din na may mga guards din sa gate namin. Wala akong ginawa kundi umiyak. Paano kung sumuko na siya? Paano kung iwan niya ako?
Nakadungaw ako sa aking bintana. It was a Saturday morning. Nasa kwarto lang ako. Nakaupo sa couch habang nakatitig sa labas, iniimagine na biglang darating si Rafael doon at pawiin lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pinunas ko ang luhang lumandas sa aking mga pisngi. Walang araw yata akong hindi umiyak. Pakiramdam ko ay mababaliw ako. Ayokong lumabas ng kwarto dahil puro galit lang ang makikita ko dahil kay mommy. Hindi na siya nag tatrabaho simula noong araw na iyon.
Nabalik ako sa realidad nang may kumatok sa aking pintuan. Bumuntong hininga ako at umiling. Nagtungo ako sa aking kama at doon ay humiga.
"Loui, Anak... Kakain na daw sabi ng mommy mo..." It was Manang.
Palaging ganoon ang eksena, tatawagin lang ako kung kakain na. Minsan ay dinalhan ako ni manang ng pagkain ngunit agad iyong kinuha ni mommy.
"Kung gusto niyang kumain ay bumaba siya." Aniya at bumaba dala ang pagkain.