Mabilis akong nakarating sa cafeteria dahil wala namang traffic. Nagtxt ako kay Joey na mamayang hapon na kami lumabas, sinabi ko din na isama nya na ang iba. Hindi naman sya nagtanong at nag okay na lang. Nakahanap agad ako ng parking ngunit hindi agad ako bumaba. Iniisip ko kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Kung ako ba ang unang mag sasalita o mananahimik ako at sya na lang ang magsalita. Hindi ko alam. Bumuntong hininga ako bago bumaba ng kotse. Nahagip ng mga mata ko si Sabrina na nakaupo sa loob habang nakatulala lang. Nagtungo ako sa loob. Nakatalikod sya kaya hindi nya ako nakita. Suminghap ako at nag punta sa harap nya.
"Sabrina..." Tawag ko sa kanya.
Tumingala sya at tiningnan ako. Ngumiti sya ng mapait. Nakita kong maga pa din ang mga mata nya. "Have a sit Loui. Gusto mo bang kumain-"
Umiling ako "No. I already ate." Sabi ko sabay upo.
Tumango sya ngunit hindi nag salita. Ilang segundo ding walang umiimik sa aming dalawa nang binasag nya ang katahimikan "I guess, sinabi na sayo ni Rafael ang lahat? Hindi ko alam kung bakit nag ka ganon na naman sya. I wonder what did you tell him? I-I don't know." Nanginginig ang boses nya ng sabihin nya iyon.
Nanlaki ang mga mata ko at halos mapatalon sa narinig. So, she didn't hear what I said? She didn't hear everything! Hindi ako nag salita. Hinintay kong dugtungan nya pa ang sasabihin nya...
"Tell me Loui. W-what d-did you tell him? B-bakit sinabi nya sayo ang mga bagay na iyon?" Nangilid ang mga luha nya. Nakita ko ang pagmamakaawa nya sa mga mata nya.
Hindi pa rin ako sumagot. Ngunit sa oras na tanungin nya ako tungkol sa nararamdaman ko para kay Rafael ay aamin ako. Hindi ako nag kamali dahil...
"D-do you l-love him?" Deretsahan nyang tanong. Napatingin ako sa kanya at halos matulala.
Tumango ako "Yes. I love him-"
"Pero sinabi nya sakin na hindi mo sya gusto kaya pinagtabuyan mo sya-"
"I said it because I was afraid of everything. Natakot ako na mawalan uli. Natakot ako na maiwan uli-
"But still nasaktan mo pa rin sya, Loui." Nakatinging wika nya sa akin.
I know Sabrina, and I was so stupid for hurting him. Hindi ako umimik at nag hintay uli sa sasabihin nya. "My family knows about us and I don't know how will they react if they figure it out, Loui." Mahinahong sabi nya habang may lumandas na luha sa kaliwa nyang mata.
Nag iwas ako ng tingin. "W-what do you want me to do then?" Kinagat ko ang labi ko ng mapagtantong hindi dapat gano ang tanong ko.
Pinunas nya ang luha nya at nag salita. "I love Rafael and I don't know if I can lose him... I can't see him with another girl, Loui. You might call me selfish but what's mine is mine. I don't share. Maybe I look desperate but I don't care. I won't let him go, Loui. I can't." Makahulugan nyang wika.
Napatingin ako sa kanya. Mag sasalita na sana ako ngunit itinikom ko na lang ang bibig ko. Nilunok ko na lang uli ang mga salitang dapat ay sasabihin ko. This girl's not the Sabrina I know. Ibang iba ang Sabrinang nasa harap ko ngayon. Walang makikitang bakas na saya sa mukha nya at puro lungkot lang. I can't blame her though. Nag mahal lang sya. Totoo pala talaga yung kasabihan na kapag nagmahal ka ng sobra ay magagawa mo ang mga bagay na hindi mo inakalang magagawa mo.
"If that's what you want. I can't do anything about that-" sabi ko ng nahanap ko na ang mga salita.
Umiling sya "Stay away from him, Loui. Utos iyon, hindi pagmamakaawa. Kung lalayo ka ay magiging okay na uli kami"
Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko inakala na masasabi nya iyon sa akin matapos ang mga nalaman ko sa kanila ni Rafael. Hindi ko ito inaasahan. Nag init ang tainga ko sa utos nyang iyon. Who the hell is she para utusan ako? Nung una ay naaawa ako sa kanya, ngayon ay naiirita ako!