Chapter Seventy

135 2 0
                                    

Pinahiram ako ni Nathalia ng pantulog para sa gabing iyon. Tinawagan ko si Reige at naramdaman ko ang pag aalala niya sa akin.

"Damn, Sam! I've been calling you for hours pero hindi ka sumasagot! I was worried about you! Ang lakas pa ng ulan sa labas." Dinig ko sa tono niya ang pagkairita sa akin.

I bit my lower lip. Si Nathalia ay nakatingin lamang sa akin, pinagmamasdan ang bawat galaw at sasabihin ko. Nakatayo siya sa may bintana ng kwarto niya at nakahalukipkip habang ako ay nakaupo sa kama. Hindi pa kami nakakapag usap dahil naligo at agad kong tinawagan si Reige.

Suminghap ako bago magsalita.

"I-I'm sorry, Reige. I forgot my phone at home. I'm sorry." Sabi ko na lang at napapikit.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Alas nuebe y media na ng gabi at sinabi ko kay Nathalia na dito muna ako at uuwi na lang ako bukas.

"Odrea was worried about you too..." Aniya.

"I'm really sorry. Uh. M-may problema kasi si N-Nath..." Sabi ko at muling tiningnan si Nathalia na nagtataas ng kilay sa akin at kumalas sa pagkakahalukipkip.

Umiling ako at nag iwas ng tingin.

"Please, sa susunod ay magpaalam ka, Sam. Pati mga police ay napagbuntunan ko ng galit ko kanina..." Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi.

"Sorry talaga. I'll see you tomorrow. Where's Odry, by the way?" Pag iiba ko ng usapan.

"She's here. Wait" aniya.

Ilang sandali ay na kay Odrea na ang cellphone.

"Mama! Where are you? I am worried about you. I thought you left us." narinig ko ang paghagulhol niya.

Pinipiga ang puso ko ng marinig ang mga hikbi niya.

"N-no, Baby that will never happen... Now go to sleep. I'll see you tomorrow okay? Goodnight! I love you Odrea." Wika ko.

"I-I love you too, Mama! Goodnight!" Aniya at narinig ko ang pagkalaskas ng cellphone.

"You want me to pick you up tomorrow?" Tanong ni Reige nang nasa kanya na ang cellphone.

Umiling ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "I-I'm fine. I can commute. Don't worry. I have to go. I'll see you tomorrow. Goodnight!" Huminga ako nang malalim.

Suminghap siya pagkatapos ay nagsalita.

"Okay, Sam. Goodnight. I love you." Sabi niya.

Panandalian akong natahimik, hindi mawari ang nais sabihin.

"Sam? You still there?"

"Uh. Yea. Goodnight. I-I love you too!" Sabi ko at pinatay ang tawag.

"What the hell did you say? Bakit ka nagsinungaling?" Pinanlakihan ako ng mata ni Nathalia kahit singkit naman iyon.

Umiling ako at kinagat ang labi. Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.

"I don't want him to know about this-"

"He will know." Mariin at sigurado niyang wika.

"He won't if you keep your mouth shut. Please, keep this a secret, Nathalia."

Napangiwi at napairap siya sa aking sinabi. I know Nathalia won't spill it out.

"Now tell me what happened kanina? Bakit ka umiiyak?" She asked me.

"N-nag usap kami ni R-Rafael..." Mahina kong wika at tumayo.

"Oh my god?" She hissed. "W-what did he say?"

Falling in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon