"In my office, now!" Mariin na wika ni Daddy nang makarating kami sa living room namin at paakyat ng hagdaanan.
My knees were shaking like I was going to fall down. I've never seen Dad this mad. I bit my lower lip. Ang mga mata ko ay nag iinit dahil sa nagbabadyang mga luha. Natatakot ako. Natatakot ako kay Daddy.
Sumunod ako kay Daddy. Natigilan ako sa ikalimang baitang ng hagdan namin nang makita doon si mommy. Nakadating na pala siya. Nakita ko ang pag aalala sa mukha niya. Agad siyang lumapit sa akin.
"W-what happened?" Tanong niya at hinaplos ang mukha at buhok ko.
Doon ay hindi ko na napigilang umiyak. Hindi ako nag salita. Bumitaw ako kay mommy at sumunod kay Daddy. Narinig ko pa ang pag sigaw ni mommy sa pangalan ni Daddy ngunit dirediretso lang siya sa office niya. Hindi sumunod sa amin si mommy sa office dahil alam niya na kapag galit si daddy sa akin ay ako lang ang dapat kausapin at nadoon sa loob.
Naalala ko noong bata ako ay palagi akong nandito sa office niya dahil lagi kong pinapasakit ang kanyang ulo. I've always been stubborn. He would always punish me at hindi ako pinapalabas ng kwarto ko. Kapag may school at natapos ay diretsong bahay na dapat. Hindi na ako makakapaglaro kina Joey. Kapag pupunta sila sa bahay noon ay pinapauwi na din sila nina Manang dahil iyon ang bilin ni Daddy. Minsan ay dumating iyong pinsan kong babae, anak ng kapatid ni Daddy dito galing Amerika, inaway ko siya dahil ayokong pinapakialaman ang mga gamit ko. Noong bata ako ay ang dami kong kabalastugang ginagawa. Si mommy naman ay palagi akong kinukunsinti.
Niluwagan ni Daddy ang kanyang kurbata nang makapasok sa office niya at saka ako tiningnan. I looked away. Hindi ko siya kayang tingnan mata sa mata.
"You disappointed me again, Louise Samantha..." Kalmado ngunit ramdam ko ang galit niya
Tumulo ang luha ko. I bit my lower lip. Nakatungo lang ako at hindi nag salita. Kahit matigas ang ulo ko ay hindi ko nasasagot ang mga magulang ko. I know my limitations. Never kong sinuway si Daddy.
Sa tuwing binibigkas ni Daddy ang buo kong pangalan ay alam kong galit na siya. Hindi naman ako napag buhatan ni Daddy o ni Mommy ng kamay. Ang galit nila ay hanggang salita lang lalo na si mommy. Pero ngayon ay hindi ko na masisigurado iyon.
"Nagawa mo na iyan noon, at ngayon ay ginagawa mo uli?" Umigting ang bagang niya habang sinasabi iyon.
Nag angat ako ng tingin at naabutan ko ang pag iling ni Daddy.
"I-I'm sorry, Dad." Wika ko at pinaglaruan ang mga daliri.
"You already did it before and now you're doing it again? How many times do you have to do it again?" Pag ulit niya.
Pinunasahan ko ang luhang bumabagsak mula sa aking mata at nag iwas ng tingin kay Daddy. Napapahikbi ako sa tuwing naalala ang mga disappointments na binigay ko sa kanya noon at ngayon ay nabibigay ko uli iyon sa kanya.
"B-but dad. I am already eighteen-"
"That's exactly my point! You're only eighteen, Samantha! You are not allowed to have a boyfriend yet! You should focus on your studies first! Studies ang pina-prioritise hindi pakikipag boyfriend!" tumataas na ang boses niya.
Napaatras at napapikit ako. Hindi ako umimik. Nag patuloy lang siya sa pag sasalita.
"Kung sana ay hindi ka kinukunsinti ng mommy mo sa mga ganyang bagay ay hindi iyan mangyayari. Alam niya lahat iyon hindi ba?"
Dumilat ako at tumingin sa kanya "Dad..." Iyon lang ang nasabi ko.
Nakita kong namumula ang gilid ng mga mata niya sa galit sa akin. Hindi ko siya masisisi dahil tama naman siya. Hindi naman siya nag kulang sa akin. Hindi siya nag kulang ng pag sasabi sa akin noon.