"Malapit na ang 18th birthday ni Loui. Isang linggo mula ngayon. Wika ni Mommy.
Akala ko naman kung ano na ang sasabihin nya. Iyon lang naman pala.
"And?" Singit ko.
Tumaas ang kilay ko. Napatingin sakin si mommy.
"And we're going to celebrate it." She said and smiled at me.
Binalingan niya ang lalaking nasa harap nya. "And you... will be her escort." Nakangiti nyang sambit.
Nanlaki ang mga mata ko. I can't believe her! The guy looked at me.
"My! Hell no! I'm not going to celebrate this party! Lalong lalo ng ayokong maging escort ang lalaking iyan!" Sabi ko.
"Louise Samantha! You're so rude! What's wrong with you?" Tanong ni mommy gamit ang galit na boses.
"Bakit ako mag paparty? Isang normal na araw lang naman iyon! At bakit ko gagawing escort ang isang taong hindi ko naman kilala?" Saad ko.
Kumunot ang noo ni mommy.
"Louise, minsan ka lang mag debut. Bakit ba ikinukulong mo pa rin ang sarili mo sa nakaraan? Hindi porket wala na sya, kailangan mo na din itigil ang buhay mo."
Natigilan ako sa sinabi ni mommy. Muli ay napatingin ako sa lalaki na nakakunot na ang noo na tila ba nalilito sa sinasabi ni Mommy. Umiling ako at natahimik na lamang.
Tama sya, life goes on. Masyado na siguro akong nakulong sa nakaraan kaya hindi ko magawang harapin ang kasalukuyan. Kaya siguro hirap na hirap akong tanggapin ang katotohanan.
"Louise, as your mother, I wish nothing but the best for you. Sana naman kahit ito lang pagbigyan mo na kami na gawin ito." Dagdag nya.
Nag angat ako ng tingin kay mommy. Mukhang wala na akong magagawa.
"Alright mom. I'm sorry" sabi ko.
I hugged her and she hugged me back.
Kaya naman ng dumating ang araw na iyon ay wala na akong nagawa kundi tanggapin ang hiling nya. Lalo na at maging escort ang lalaking iyon.
Light lang ang make up ko. Hindi naman kase ako mahilig sa make up.
Itinaas nila ang buhok ko at may konting takas sa dalwang tabi. Nilagyan din nila ako ng red lipstick.
Ball gown ang suot ko na kumikinang sa dilim. Itim at pula ang kulay nito.
Nang matapos akong make-upan at mag bihis ay tinawag na ako ng MC.
"Let's all give an applouse to the celebrant, Louise Samantha Madrigal!" Sigaw ng MC
Nag sipalakpakan ang lahat habang bumababa ako ng hagdanan. Nagulat ako kase sobrang dami ng tao. Ang akala ko ay konti lang ang dadalo pero nag kamali ako.
Nang makababa na ako ay inalalayan ako ni Rafael. Ngitian nya ako pero sinimangutan ko lang sya. Pinaupo nya ako sa isang couch na may mga design at balloons na kulay itim at pula.
Maraming mata ang nakatuon sakin kaya naman halos sumabog ang dibdib ko sa kaba.
Meron din silang mga programs na ginawa. Nauna ang 18 roses. Tinawag nila isa isa ang name at isinayaw ako.
Nang pang huli na ay tinawag na nila ang escort ko "Rafael Clifton Velazquez!" MC said.
Tumayo sya at nag martsa papunta sakin. Nag bow muna sya at tsaka kinuha ang kamay ko. Inilagay nya ito sa balik nya at isa naman ay hawak hawa nya. Nakalagay naman ang isa nyang kamay sa beywang ko.