Nasundo ko si Odrea nang araw na iyon. Masayang masaya siya at may kaibigan na raw siya sa school niya. I just smiled at her. Preoccupied pa ako sa mga naiisip.
"Ma, where are we going now?" She asked me.
I looked at her and smiled "To your Lola's house." I said.
Odrea is always excited for everything. I sometimes wish I could be a child again. Iyong walang problema. Iyong iiyak ka lang kapag naagawan ng laruan at mausugatan kapag madadapa at kahit sa konting kirot ay mapapaluha ka. I wish things were as simple as they used to be. I now know why Peter Pan didn't want to grow up, dahil kapag matanda ka na, madami ka ng obligasyon at kumplikasyon. Hindi katulad ng kapag bata ka na wala kang iniintindi kundi ang kumain lamang at pag aaral.
Natigil ang pag iisip ko when my phone rang. I let Odrea answer it.
"It's lola." Aniya at inilagay ang cellphone sa kanyang tainga. "Hi, Lola! We're heading to your house right now! Mama is driving... Yes... Okay, Lola! See you later! Bye!" Aniya at binaba ang telepono ko.
"What did she say?" I asked her.
"She asked where we were and told me that she's waiting for us." aniya.
Tumango ako at tumigil dahil sa traffic light. Sinarado ko ang mga bintana ng kotse at siniguradong sa unahan lang ako nakatingin. Binuhay ko ang aircon para hindi siya mainitan. Odrea kept on talking about her first day but I didn't even bother to look at her. Tango lang ako ng tango sa sinasabi niya habang palinga linga habang red light. I am not being paranoid, right? It's just that ayokong mangyari iyong nangyari kaninang umaga.
Nakarating kaming mansyon. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakatungtong ako dito dahil noong isang linggo ay dito ako natulog kasama si Odrea. Pinayagan kami ni Reige at sinundo din nang nagtanghali niya dahil miss na daw niya kami agad. Napailing na lang ako noon sa kanya at napangiti. Si Manang naman ay tuwang tuwa ng muli niya akong makita at niyakap ako ng mahigpit dahil miss na miss niya daw ang alaga niya. Tumatanda na si Manang pero malakas pa din naman siya.
"Yehey! We're here!" Ani Odrea nang ipasok ko sa gate ang kotse.
I saw mommy got out the house para salubungin kami ni Odrea. She was all smiling like she was happy to see us again. I parked the car at sabay kaming bumaba ng kotse.
"Hi, baby!" Sinalubong niya ng yakap si Odrea.
"Hi, lola! I missed you" Odrea said as she kissed mommy's cheek.
Ngumiti si mommy at nag angat ng tingin sa akin. Tumayo siya pagkatapos ay nagtungo sa akin at niyakap ako. I hugged her back.
Dad's obviously not around. Ngayon ay katulong na ni Daddy iyong kapatid niya sa pagpapatakbo ng kumpanya simula noong namatay si Lola. Dad's not healthy anymore unlike his brother, Tito Leo na hindi pinoproblema ang kalusugan.
Pumasok kami sa loob at naupo sa couch. Odrea asked if she could play xbox. Ngumiti si Mommy at tumango.
"It's in your Mama's room." Aniya at tinawagan ang katulong para samahan si Odrea sa dati kong kwarto.
Hindi ko alam na nadoon na iyon gayong hindi ko naman pinagmasdan ang pagbabago ng bahay kahit madami na ang nag bago. My room's still the same ayon kay Mommy. Aniya'y wala siyang pinabago doon dahil gusto niyang pag uwi ko ay iyon pa din ang dadatnan ko ngunit hindi naman namin iyon tinulugan ni Odrea.
Pinagmasdan namin si Odrea na umaakyat patungo sa dati kong kwarto bago ko binalingan si Mommy.
"We can't stay long, My. Baka mapagalitan kami ni Reige." Sabi ko at naupo sa couch.