Chapter Twenty-Seven

229 3 0
                                    

Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nasa likod ko na pala si Rafael. Nilingon ko sya nang tawagin nya ako. Umupo sya sa harap ko at tinitigan ako.

"What is it, Loui? Why did you ditch your class?" Tanong nya.

Umiling ako "Rafael... S-sabrina's in... coma" nanginginig ang boses ko nang sabihin iyon.

Napaawang ang bibig nya at natigilan sya. "W-what did you just s-say?" Nauutal nyang tanong.

"S-she's in coma. Kagabi pa daw. I-I don't know." Nag iwas ako ng tingin.

Tumango sya at pumikit ng mariin. "I'll go there later after class."

"I'll go with you..." Sabi ko.

Dumilat sya at tiningnan ako "No... Maaga ang labas ko mamaya kaya makakapunta ako. You'll attend your class, Loui. Now, go." Sabi nya.

Hindi na ako nagpumilit pa at sinunod na lang sya. Bumalik ako ng room at napagalitan ng prof namin. Hindi ko na lang iyon pinansin. Nang naghapon ay nagtext sa akin si Rafael at sinabing papunta na sya doon. Isang oras ang nakalipas bago ko nabasa iyon. Nireplyan ko sya agad pagkakita ko pa lang.

Ako:

Rafael. Are you still there? I just saw your text. How is she? May developement na ba?

Niligpit ko na ang mga gamit. Napansin ko ang pag titig ni Nathalia sa akin ngunit binalewala ko din yon. Si Joey naman ay abala din sa pagliligpit. Tumunog ang cellphone ko at nakitang si Rafael ang nag message.

"Are you okay, Loui?" Nathalia asked.

Tumango ako."Yup. Uh. Mauna na ako sa inyo." Sabi ko at nag beso sa kanina.

Tumango na lang sila at nagkatinginan. Binasa ko ang text ni Rafael.

Rafael:

Yes. I'm still here. Ganon pa din ang lagay nya. Nothing changed. Hindi din alam ng doctor kung kailan sya magigising.

Napabuntong hininga ako habang naglalakad patungo sa labas ng gate. Nadoon na ang sasakyan namin. Lumabas ang driver at pinag buksan ako. Agad akong umupo sa back seat at nag type ng message kay Rafael.

Ako:

You want me to go there? Have you eaten yet?

Agad naman syang nagreply.

Rafael:

Kumain na ako. Ikaw ba? Umuwe ka na at mag pahinga muna. Pupuntahan kita mamaya. Is it okay with you?

Ako:

I already ate. You can come, if you want Rafael. I'll see you later. Pauwi na ako.

Rafael:

Alright then. Take care.

Hindi ko na sya nireplyan at natulog na lang ako sa kotse. Ilang minuto ay ginising ako ng driver. Nasa tapat na kami ng bahay namin. Dinungaw ko ang cellphone ko na may isang text galing kay Rafael.

Rafael:

I'll be there at 8.

Nireplyan ko sya agad.

Ako:

Okay. Dito ka na kumain. Mag papahanda na ako kay manang.

Rafael:

Okay, then.

Hindi na ako nag reply at bumaba na sa kotse. Sinalubong ako ni Manang. Nginitian ko sya at binati.

"Manang. Tumawag na po ba sina mommy?" Tanong ko.

Tumango sya "Katatawag lang ng mommy mo. Sinabi nyang 1 week pa sila doon. Hindi mo daw sila tinatawagan. Kahapon ka pa daw nilang tinatawagan ngunit hindi ka nasagot." Sabi ni manang.

Falling in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon