Chapter Thirty-Six

174 2 0
                                    

Maaga akong nagising ng nag martes. Nag madali akong maligo at nag bihis. Hindi na din ako nag breakfast. Hinabol pa ako ni manang hanggang labas.

"Ang aga pa ah! Hindi ka na ba kakain? Di ka ba susunduin ni Rafael?" Tanong nya.

Tumigil ako at nilingon sya. "Hindi na po. Busy po yon. Sige po, alis na po ako." Ngiti ko at nag madaling pumasok sa sasakyan ko.

Ni-check ko ang cellphone ko at naalala kong lowbat nga pala iyon. Inibalik ko iyon sa bag ko. Ipinatong ko ang bag ko doon sa upuan at pinaandar ang kotse.

Nakarating ako sa school at halos wala pang tao. Iilan pa lang ang estudyante doon. Nag tungo ako papunta sa may soccer field. Umupo ako doon sa damuhan at pinanood ang pag sikat ng araw. Kinuha ko ang libro ko ng Philo at nag review uli ako.

Mahilig talaga akong mag aral kahit nag babar ako. Hindi ko naman iyon napapabayaan. I don't want to disappoint my parents. They work hard for me at ang tanging maisusukli ko lang ay ang pagbutihin ang pag aaral.

30 minutes pa akong nadoon ng mapansin kong dumadami na ang mga estudyante. Niligpit ko yung libro at isinabit ang bag habang tumatayo ako.

Naglakad ako papuntang cafeteria. Gutom na din ako. May 30 mins pa naman ako bago mag simula ang first subject ko. Nakakailang hakbang pa lang ako ay may humila na sa braso ko.

Napamura ako dahil sa gulat na naramdaman ko. Nilingon ko iyon at nanlaki ang mga mata ko.

"R-rafael..." Nauutal kong sambit.

Seryoso nya akong tiningnan. Hinihingal pa sya at nakita ko ang pag taas baba ng dibdib nya. Tiningnan ko ang kamay nyang nakahawak sa braso ko at agad nya naman iyong binitawan.

"Your phone is off. Nagpunta ako sa bahay nyo kanina pero wala kana doon. Manang told me maaga ka daw umalis." Wika nya.

Matapos nyang hindi ako itext kahapon hanggang gabi, eto lang sasabihin nya?

"Lowbat." Simple kong sagot at tatalikuran na sana sya ng hawakan nya uli ang braso ko.

Napaharap ako sa kanya. "What's your problem, Loui?-"

"Wala." Tipid kong sagot. Bahala ka dyan.

"Sorry, I coudn't reply to your messages yesterday, my phone was lowbat." Aniya.

Huminga ako ng malalim at unti unting tumango. Ang buong akala ko ay nakalimutan nya na akong itext. "I thought you were busy with Sabrina" mahina kong wika at napakagat ako sa labi ko ng marealize na mali ang sinabi ko.

Galing sa seryosong mukha ay nakita ko ang pag ngisi nya. Tumaas ang kilay nya. Nag iwas ako ng tingin. "Are you jealous?-"

"No! I'm not!" Mabilis kong wika at tinalikuran na sya.

Sumunod din sya sa akin. "Yes, you are. "pag sisigurado nya.

Hinarap ko sya at hinampas. "Tigilan mo nga ako." Sabi ko.

Hindi sya natinag. Lalo pa syang ngumisi. Uminit ang pisngi ko. "You're blushing." Aniya.

"No. I'm not! Stop it."

Pumasok ako sa cafeteria na ngayon ay puno ng mga estudyante. Dumiretso ako sa cashier at bumili ng pag kain. Ganon din ang ginawa ni Rafael.

"Ako na ang mag babayad." Sabi nya nang kukunin ko na ang wallet ko sa bag ko.

Kinuha nya ang wallet nya at kumuha doon ng pera. Hindi nya na hinintay ang pag oo ko at binayaran nya na ang mga pagkain namin.

Umupo kami sa bakanteng upuan doon. Hindi ko alam kung dumating na ba ang mga kaibigan ko o hindi. Hindi ko naman sila maitext dahil lowbat ang cellphone ko.

Falling in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon