Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Naghihintay ako sa reply na hindi naman dumadating. Nagtext ako kay Rafael kung nasaan sya ngunit wala akong natanggap na sagot. Alas dyes na ng gabi ngunit wala pa ding text na dumating.
Bumangon ako at nag pauli uli ng paglalakad sa kwarto. Asan kaya ang isang iyon? Bakit hindi man lang sya nagrereply?
Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone kong nasa kama. Agad kong kinuha iyon. Rafael's calling! Agad ko iyong sinagot.
"Hello?" Sabi ko.
Walang umiimik sa kaibilang linya. Puro ingay lang ng music ang naririnig ko. Oh my god! Nasa bar sya?
"Rafael?" Pagtawag ko sa kanya ngunit hindi pa rin sya sumasagot.
"Rafael... Are you okay?" Narinig ko pa ang isang boses ng babae.
Hindi ko sya mabosesan. Ilang sandali pa ay nag salita uli yung babae. "Let's dance, Raf!-" Tili nung babae.
Agad kong binaba ang tawag. Who's that girl? And why is he with her?Napaupo ako sa kama at iniisip kung saang bar maaring nagpunta si Rafael. Sino kaya ang kasama nya?
Ilang sandali ang nakalipas ay tumunog ang cellphone ko. Dinungaw ko iyon at nakita ang mensahe ni Rafael.
Rafael:
Loui, Can you come here at Haze Club? I just wanna see you.
Pagkabasa ko noon ay agad akong nag bihis at kinuha ang susi ng kotse ko sa maliit na table sa gilid ng kama ko. Hindi na ako nag dalawang isip na puntahan sya doon. I want to check on him. Ilang beses na akong nakapunta sa bar na iyon kaya alam ko kung saan iyon. May kalayuan iyon sa amin ngunit hindi iyon naging hadlang para puntahan ko sya doon.
Naka white short dress ako at black cardigan. Flat shoes ang suot ko. Bumaba ako at lalabas na sana ng may nag salita sa likod ko. Halos mapatalon ako sa gulat.
"Loui? Where are you going?" Nilingon ko si mommy na nakakunot ang noo.
"Uh, p-pupuntahan ko lang po si Rafael. Uh. Can I?" Kinakabahan kong tanong.
Nagtaas sya ng kilay at tiningnan ang wrist watch nya. "At this time?"
Kinagat ko ang labi ko at tumango "Sandali lang po ako mommy-"
"Loui, anong oras na? Ikaw lang mag isa? Bakit hindi na lang sya ang pumunta dito-"
"Nasa bar sya mommy, nag iinom and I don't know if he can drive." Deretsa kong wika.
Napaawang ang bibig ni mommy "Pasasamahan kita kay manong." Aniya na agad kong inilingan.
"Don't worry, my. I can manage. Matulog na po kayo" sabi ko.
Huminga sya ng malalim bago mag salita. "Alright. You take care okay?"
Tumango ako at hinalikan sya sa pisngi. Kinuha ko ang kotse ko sa garage at pinaharurot iyon patungo sa nasabing club. Habang nag d-drive ako ay iniisip ko pa rin kung sino iyong babaeng nag salita sa background kanina. Maybe he met the girl at the bar? I don't know. Kinagat ko ang labi ko sa iniisip ko.
Halos isang oras akong nag byahe. Mabilis kong inipark ang kotse ko. Huminga ako ng malalim, iniisip pa rin kung sino ang babaeng iyon.
Bumaba ako at pinatunog ang sasakyan. Mabilis ang lakad ko patungo sa loob. Hinarang pa ako ng bouncer.
"I'm eighteen." Mariin kong sambit at tinitigan ang bouncer.
Umalis ito sa pagkakaharang sa akin at tumungo bilang pag hingi ng pasensya. Inirapan ko sya at nag patuloy ako sa paglalakad. Halos mag wala ang mga tao sa pag sasayaw dahil sa kantang Turn down for what ni Dj Snake. Lahat ng taong nadoon ay sumasabay sa kanta. Hinanap ko agad si Rafael. And there, nasa bartender sya. Nag martsa ako papunta sa kanya ng maaaninag ang babaeng nasa harap nya parehas silang nakatayo. Si Rafael ay nakatalikod sa sa akin. Napatigil ako sa paglalakad nang mas nakita ko ang babae. Nanlaki ang mga mata ko ng halikan nya si Rafael. Lumipad ang dalawang kamay ko sa aking bibig na ngayon ay literal na nakanganga. Nakita ako ni Sabrina na ganon ang reaksyon kaya bumitaw sya sa halikang iyon.