Naghintay ako sa pagdating ni Tita habang nagluluto ng roasted broccoli. Iyon na lamang ang aking niluto dahil bukod sa madali lang ay alam kong gusto iyon ni Tita dahil tuwing my family dinner ay ayon ang kanyang kinakain. Kahit pa sinabi niyang kumain na siya ay nagluto pa rin ako. Hindi ko nga lang alam kung magugustuhan niya ang niluto ko. I know what we're gonna talk about at alam kong importante iyon dahil kung hindi ay hindi niya ako sasadyaing makausap.
Umupo ako sa high chair at humalumbaba sa counter habang hinihintay na maluto iyong broccoli sa oven. Ilang minuto ay nicheck ko kung okay na dahil may trenta minutos ko na iyong naisalang. At trenta minutos na ang nakakalipas ay wala pa din si Tita. Suminghap ako at naupo uli doon sa high chair.
Habang nakatunganga ako sa counter ay naisip ko ang pag uwi ng Pilipinas. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Gusto kong umuwi ngunit natatakot ako. Hindi ako mapirmi sa isang desisyon lamang. Uuwi naman ako dahil gusto ko at kailangan din naman ni Reige ngunit natatakot ako na baka bumalik ang mga alaalang matagal ko ng dapat ay kinalimutan. Hindi lang naman kasi isang beses akong nasaktan, hindi lang iyong araw na iyon...
Natigil ako sa pag iisip nang maalalang may nakasalang nga pala sa oven. Tumayo ako at agad ko iyong kinuha at nag pasalamat na hindi iyon nasunog! Napatalon ako nang may nag doorbell sa pintuan ng condo. Batid ko'y si Tita na iyon kaya naman dali dali akong nagtungo sa pintuan. Nakita ko sa camera ang seryosong mukha ng mommy ni Reige. Tiim na tiim ang bibig na parang inip na inip doon sa labas. Napalunok ako at nanginginig na binuksan ang pintuan. Ito ang kauna unahan naming pag uusap ng kami lang dalawa at kinakabahan ako ng sobra. Iyong tipong madudumi ka. Pwede ba iyon?
"Hi, Sam..." Aniya ng nakangiti at nagbeso sa akin.
"H-hello po. P-pasok po kayo..." Sabi ko at binuksan ng malawak ang pinto.
Tumango siya at pinasadahan ng tingin ang loob ng condo bago siya pumasok doon. Tumikhim ako at isinarado ang pintuan at sumunod sa kanya sa sala.
"Juice po?" Sabi ko nang hindi alam ang sasabihin.
Nilingon niya ako at ngumiti pagkatapos ay umiling "I'm fine, hija. Don't worry about me." Aniya at naupo doon sa couch.
Tumango ako at naupo sa kaharap niyang couch. Tumikhim din siya at magsasalita na sana ako nang magsalita uli siya.
"Kamusta kayo ng anak ko?" Tanong niya at bahagyang tumaas ang kanang kilay.
Kinagat ko ang aking labi at iniwasang mapatingin sa mga mata niyang nakakatakot. Iyong mga matang parang lulusawin ka sa titig niya lamang.
She and Reige really look alike. Ang mga mata niya ay nakuha niya sa mommy niya. Malalalim at talaga namang parang malulusaw ka sa paninitig. I've never met his Dad, wala na kasi iyon. Nakita ko na ang kapatid niya at kamukha niya din iyon ngunit magkaiba sila ng mga mata dahil mapupungay iyong sa kuya niya na parang inosente. Palangiti iyon at nawawala ang mga mata tuwing ngumingisi. Hindi katulad nitong si Reige na palaging seryoso at mabibilang mo ang mga birong lumalabas sa kanyang bibig.
"Uh... Okay naman p-po kami." Nanginginig kong wika.
Darn! Can you not? Talking to his mom is like being asked by an investigator. I don't know. I'm never comfortable with her.
Tumango tango lamang siya bago magsalita uli. "Masaya ako at okay talaga kayo..." Aniya at ngumiti habang pinag salikop ang mga daliri.
Hindi ako nagsalita. Hahayaan kong magpatuloy siya sa gusto niya sabihin sa akin. Binalot kami ng matinding katahimikan. Ilang sandali pa ay muli siyang nag salita.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. I guess Reige already told you about going back to the Philippines for our business?" Tumaas ang kilay niya.
Tumango ako "Uh. Opo." Tanging naisagot ko.