Chapter Seventy-Five

138 2 0
                                    

I cried a lot like I lost the most important thing in my life. I cried like a baby. Aalis na si Rafael. Tinupad niya iyong hiling ko. Ginawa niya ang sinabi niya. And then it hits me... he's always true to his words. Hindi niya ako niloko! Hinanap niya ako!

Pero huli na ang lahat. Aalis na siya kasama ang sakit na naidulot sa amin ng nakaraan. Siguro ay tama lang naman ang naging desisyon niya para hindi na din kami magkasakitan pa. We need to go on with our lives. Siya sa kanya, ako sa akin. I should be happy right? But then... Who Am I kidding?

Napatingin ako sa gilid ng kama at nakita doon iyong red box na ibinigay sa akin ni Rafael kanina. Tumayo ako at kinuha ko iyon. Ipinatong ko iyon sa kama at pinakatitigan. Ano kaya ang laman nito?

Hinila ko iyong ribbon at dahan dahan ko iyong binuksan. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ko kung ano ang mga nadoon sa loob ng box.

Tumambad sa akin ang tatlong maliliit na box doon. Kinuha ko ang isa at nanginig ako ng makitang isang kwintas ang laman! Doon ay may nakita akong maliit na card. Kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat.

Happiest birthday to the woman I love! I miss you. Please come back to me. I love you, Louise Samantha Madrigal!

Mas lalo akong naiyak. Umiling ako at pinalis ang mga luhang nag uunahan sa aking mga mata. Muli ay binuksan ko iyong isa. It was a bracelet. Nakaukit doon ang aking initials. LSM. Muli ay may nakita akong maliit na card doon. Kinuha ko iyon at binasa.

Today is supposed to be our first anniversary, but you are not here with me to celebrate it. I'm still waiting for you. I will be waiting forever... I love you, Loui, so much...

Sumunod ay isang anklet naman ang aking nakita. Doon ay may nakapalawit na anchor. Binasa kong muli iyong nakasulat doon.

Happy birthday, Loui. I really miss you and I love you. Please take care of yourself...

Pagkatapos niyon ay nakita ko ang isang malaking teddy bear. Kinuha ko iyon at niyakap bago ilapag sa kama at balingan muli ang box. Nakitang kong may mga frames pa sa loob ng box. Kinuha ko ang mga iyon isa isa at inilahad ko lahat sa aking kama. Napahikbi ako. Sa frame ay nadoon ang mukha ko. Noong sinagot ko siya na kinuhanan niya ako sa restaurant habang kumakain kami. Mga stolen shots kong picture at sa huli ay ang pictures namin together. Iyong isa ay mahigpit ang yakap niya sa akin mula sa likod at ang kanyang baba ay nasa aking balikat habang tinatanaw namin ang paglubog ng araw.

Napaupo ako sa kama at nasapo ko ang aking ulo. Ngayon ay puro pag sisisi ang nararamdaman ko. Hindi ako nag sisisi na nakilala ko si Reige at Odrea. Nagsisisi ako sa mga desisyong ginawa ko bago ko pa sila makilala. Nagsisisi ako sa pag iwan kay Rafael without even hearing his explanations. Nathalia was right! Dapat ay pinakinggan ko si Rafael. Sa pangalawang pagkakataon ay nagpadalos dalos na naman ako!

Pinunas ko ang mga luha ko at tumayo sa kama. Dinampot ko isa isa ang mga frames at akmang ibabalik na sa kahon ng may masulyapan akong isa pang card. Mas malaki sa mga nauna. Kinuha ko iyon at naupo sa kama. Binuksan ko iyon at muling binasa ang sulat.

I feel stupid for writing those messages for you knowing that you won't never read them. But I don't care. I just want to write everything that I'm feeling right now. Loui, why did you leave me? What did I do wrong to you for leaving me like that? Ni hindi ko alam ang dahilan mo sa pag iwan sa akin. Ni hindi ko alam kung ano ang nagawa kong pagkakamali para iwan mo ako ng basta na lang. I am really mad at you right now but that doesn't mean I stopped loving you. And I hate myself for this. I hate it beause even if you've hurt me, my heart still wants you. I know it's cheesy but it's true. I don't know if it's still possible for me to forget you. Sa tingin ko ay hindi na. Hindi ko na kaya. Loui, please, be with me again. Whatever your reason is. Whatever I did wrong to you, please forgive me. I will make everything right this time. Come back to me. Hindi ko alam kung saan ako dadalhing ng paghihintay ko sayo but I will wait still. I will wait for you to come back. I miss you. I really do. I love you so much...

Falling in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon