Chapter Thirteen

279 4 0
                                    

Nang nag lunes ay maaga akong nagising dahil siguro maaga akong nakatulog kagabi. Alas 5 pa lang ng umaga ay bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo.

Nang matapos ako ay agad akong nagbihis. Hindi na din ako nag patuyo ng buhok. Nakakatamad kase dahil sobrang haba na.

Alas 6 na ako nakababa. Naabutan ko doon si manang at mommy na nagluluto na. Bakit ang aga ni mommy? 8 am pa naman trabaho nya.

"Goodmorning" pagbati ko sa kanila.

Sabay nila akong nilingon.

"Goodmorning baby." Sabi ni mommy at nilapitan ako at hinalikan sa pisnge. "Are you in a hurry?" Sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa. "Bakit ang aga mo?" She asked.

Umiling ako "No, mom. Maaga lang akong nagising at naligo." Pagpapaliwanag ko.

Tumango tango naman sya. "Alright. Sabay na tayong kumain. Wait." Sabi nya at bumalik sa pag aayos ng breakfast.

"Mom, bakit po ang aga nyo din? Diba 8 pa ang pasok nyo?" Tanong ko.

Hinarap nya ako "Yes, but I wanted to do this for you" sabi nya sabay turo sa breakfast na hinahanda nya. Nginitian nya ako.

She's so sweet. Hindi nya talaga ako pinapabayaan kahit na lagi syang busy sa trabaho.

"Kain na tayo?" Sabi nya. Tumango na lang ako at umupo na sa dining area.

Nang matapos ay nag paalam na ako sa kanya na papasok na ako. 6.30 pa lang. Kaya lang ayoko ma traffic. Hindi na ako nag pahatid sa driver namin. Ginamit ko na lang ang kotse ko. Yes, I can finally drive my car again after a year.

Ilang minuto ay nakarating ako sa school. Bumaba ako at agad dumiretso sa gate. Binati ako ng guard. Kaya naman nginitian ko sya pabalik.

Nakita kong naglalakad si Joey sa hallway kaya naman tinawag ko sya.

"Joey!" Nilingon nya ako ngunit kita ko sa mukha nya ang lungkot. Anong problema nya?

Tumakbo ako palapit sa kanya "Joey, may problema ka ba?" I asked.

Umiling sya "Wala, Loui." At nginitian ako. Nag iwas sya ng tingin sa akin. "Ah. Sige Loui. Malelate na ako eh." Pag papaalam nya at umalis.

I know there's something wrong with her. I am her best friend. Bakit hindi nya sabihin sa akin?

Naglakad na din ako papunta sa first class ko nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

"Loui!" Nilingon ko ito at nakita kong sino yon. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako maka galaw sa kinatatayuan ko. The hell with you, Loui? Umayos ka nga!

"H-hi!" Sabi ko sa kanya at nginitian sya.

"Uhm. Can we talk?" Tanong nya.

"A-about w-what?" Nauutal kong tanong. Umayos ka, Loui! Umayos ka.

"About what I said Saturday night."

Hindi ako umimik. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko ng maalala yon. No. Siguro ay babawiin nya yung sinabi nya. Siguro ay sasabihin nyang hindi totoo yon. Na nagbibiro lang sya. Ngunit nag kamali ako nang magsalita ulit sya...

"It's true" sabi nya. "I do like you... a lot"

Umiling ako "L-look, Rafael. W-wala akong oras p-para makipag lokohan sayo." Sabi ko ng may kaba sa boses.

"I am not joking, Loui." Seryoso nyang wika. "Hindi kita pipilitin maniwala. Hindi kita pipilitin. I just told you what I feel for you." Sabi nya.

Pumikit ako ng marahan at minulat ang mata tsaka nagsalita "I-I don't know w-what to say." Yun na lang ang tangi kong nasabi.

Falling in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon