Chapter 49

175 6 0
                                    

 { Kenneth Elysses Zamora’s POV }

Walang correction fluid para sa marker. Yan ang masasabi ko para sa naging relationship namin ni Nicole. Kapag nagkamali, mahirap na tapalan—hindi imposible pero mahirap na. Magiging pangit na ang gawa, di kaganda gandang tignan.

May mga pagkakamali akong nagawa. Hindi ko sya nabigyan ng kaukulang pagtitiwala, at may mga bagay na hindi ako sinabi sa kanya. Wala naman akong ginusto kung hindi yung protektahan lang sya, wala nang iba. Pero dahil sa nagkasabit sabit na lahat, nasira ang lahat at tila wala na talagang paraan para maiayos ito. Kapag sobrang pumangit na yung pilit na pagtatapal sa pagkakamali ng marker, kailangan nang palitan lahat at itapon ito.

Nanghihinayang ako kahit papaano sa amin ni Nicole. Sayang din ang pinagsamahan namin. Naalala ko nung high school, nung kinukulit kulit nya pa ako. Noong wala sa intensyon ko pa ang magustuhan sya dahil naiirita lang ako sa kanya noon. Sayang lang, pero dapat hindi pinanghihinayangan ang tumapong gatas.

Hindi na ako bumalik sa bahay, at sa pagkakaalam ko ay si Franco na ang nakaliugar sa kwarto ko. Sya na ang pumalit sa pwesto ko sa buhay ni Nicole. Dati ako ang pumalit sa pwesto nya, ngayon sya naman sa akin.

Nagbigay sa akin ng isang sulat si Nicole, pinapasa nya kay Amy. Hindi ko na pinanghahawakan ang sulat na yun, sinunog ko na sya pagkabasa ko rin. Sinabi nya lang naman dun na masyado daw magulo ang sitwasyon para sa aming dalawa, at hanggang hindi ko pa daw nareresolba ang mga problema ko eh mahihirapan lang din kami parehas. Kaya sumuko sya, at nakipagbreak sya.

Syempre, sinong hindi masasaktan dun? Umiyak talaga ako, ang gay pakinggan, pero kung ikaw mismo aabot ka sa stage na to, yung tipong sobrang minahal mo na yung babae, yung tipong nakikita mo na sya na naglalakad sa altar na may hawak na bulaklak habang ikakasal sayo, tapos makikipag-break sayo, masakit yun. Second year na kami ngayon, first year college kami nangyari ang lahat ng yon.

Nung bakasyon ay nasa ibang bansa ako at walang balita sa kanila, dahil pilit akong pinapahirapan ng mga magulang ko. Nung una, pinilipit nila ako sa arranged marriage at asikasuhin ang kumpanya kahit ayaw ko naman. Ayaw lang talaga siguro nila ako makitang masaya kaya ganun. Pero ginawa ko parin, ginawa ko ang gusto nila at ginawa ko ang best ko, hanggang sa nararamdaman ko na unti unti nang nababawasan ang galit nila sa akin. Medyo paparating na ako sa mata ng bagyo.

Nasa Europe ako ng makilala ko si Anna Marie. Anak sya ng isa sa mga business partners ng company at nakilala ko sya sa isang dinner. Sya yung unang lumapit sa akin. Tahimik lang sya, tas mahinhin at pino ang kilos, di katulad ni Nicole na pabara bara. May aura sya na simpleng elegante, basta simple lang sya pero sya mismo parang isang diamante.

Hindi mahirap mahalin si Anna Marie. Mabait sya, matulungin at maintindihin. Pero noong mga panahon na nakilala ko sya ay si Nicole parin ang iniisip ko. Pero dahil nandyan narin sya ay inisip kong subukan na magmove on.

Nung una, hesitant talaga ako. Pero nung pagkabalik ko ng bansa at ang unang nabalitaan ko ay si Franco na ulit ni Nicole, inisip kong yun na siguro yung turning point ko. Nakamove on na sya sakin, para naman akong tanga kung kakapit pa ako diba? Kaya sinubukan at pinilit kong magmove on.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon