Chapter 43

324 7 5
                                    

{ Nicole Alexi Demontarema’s POV }

“ Akala ko talaga kinalimutan na ako ni kuya juice colored! “ pagkwekwento pa ni Milo samin habang kumakain ng ice cream. Nasa sala kaming tatlo at nagpabili si Kenneth ng ice cream kanina dahil gusto daw ni Milo kaya ayun.

“ Nga pala, nakita ko si kuya Benedict nung lumaban ako sa UPLB. “ pagtutuloy nya pa.

“ Talaga? Anong sabi sayo? “ tanong ko sa kanya. Isa pa yung mokong na yun e, hindi ba naman ako kinakamusta. Ganun na ba talaga sya kafocus sa pagaaral? Mukha namang hindi hahahaha

“ Wala lang ayun nangungulit lang habang ongoing yung contest. Ang dami nya laging kasamang babae ganun mga nakapulupot sa kanya—“

“ Selos ka naman? “ singit ni Kenneth sa usapan. Napatingin naman ako sa kanya.

“ Ha? Anong selos? Crush mo kuya ko? “ nagtataka kong tanong kay Milo. Bigla naman syang parang di nakali na ewan.

“ Ako? Ano? Hindi ah! Ang layo ng age gap namin no! May gusto dun? “ pagdedepensa nya pa sa sarili.

“ Sus padeny ka pa. Eh nahuli kita nun iniistalk mo facebook nya. “ sabi ni Kenneth. Pinandilatan naman sya ng mata ni Milo pero ngumiti lang si Kenneth tas tumawa.

Nagkwentuhan pa kami tas kami ni Kenneth ay tumambay sa kwarto nya. Nung papagabi na ay napagisipan naming bumalik nalang sa bahay na kaya nagpaalam na kami kay Milo.

“ Ah kuya nga pala, papaalala ko sayo, yung ano— “ mahinang sabi ni Milo kay Kenneth nung paalis na kami.

“ Alam ko naman. “ reassuring na sagot ni Kenneth sa kanya sabay ngiti nito tas umalis na kami.

Nung nasa van na kami ay naalala ko kaya naitanong ko sa kanya.

“ Ano yung pinapaalala sayo ni Milo kanina? “

“ Ah wala lang yun. Uuwi daw kasi yung magulang namin galing dun sa business trips nila. “ sabi ni Kenneth.

“ So ipapakilala mo na ako? “

Naghintay ako ng mas mabilis pa sa alas kwatrong ‘oo naman syempre’ pero imbis ay iba ang narinig ko.

“ Wag muna ngayon. “

Hindi nalang ako umimik at natulog sa byahe. Nung nakarating na kami ay nagsabi akong napagod ako at magpapahinga na kaya nagdirediretso na ako sa kwarto.

Hindi ko lang kasi matago yung disappointment ko.

Bakit ganun? Sya nga, pumunta pa sya kay mama para ipakilala yung sarili nya. Pero yung ipakilala nya ako sa magulang nya—bakit parang ayaw nya yata?

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon