Chapter 19

899 20 0
                                    

{ Nicole Alexi Demontarema's POV }

 Nagising ako sa loob ng isang kwarto. Kulay puti yung kulay ng pader tas may cabinet doon, may drawer, bedside table na may vase na may nakalagay na sunflowers, pintuan na para sa cr bintana na sarado at aircon.

Nasaan kaya ako?

 Kinusot ko yung mga mata ko para makakitang maigi. Kinapa ko yung cellphone ko at nakuha to sa may ilalim ng unan. Tiningnan ko yung oras. 8:24.

Bumangon ako at nakita ang sarili na suot suot parin ang damit, yung dress na pinahiram sakin ni Amy.

Nakaramdam ako ng sakit ng ulo at nahirapang magfocus kaya nagsipilyo ako tas naghilamos saka lumabas ng kwarto.

Paglabas ko ay hinanap ko ang daan papuntang living room man lang. Nung nakita ko yung carpet sa sahig ay alam kong nasa bahay ako ni Amy.

Matapos ang maraming paglalakad at paikot ikot ay nahanap ko ang kitchen. Naroon si Amy, kumakain sa may isang counter tas si Kenneth ay nagbabasa ng dyaryo at nakaupo sa stool kalapit ng kay Amy. Nakasimpleng tshirt at shorts si Amy habang si Kenneth ay naka sando at shorts.

" Good morning! " bati ni Amy sakin

" Good morning. " sabi ko sa kanya tas naupo sa stool sa tapat nila sa may counter.

" Kamusta tulog mo? " tanong ni Kenneth habang nagbabasa ng dyaryo.

" Ah anong gusto mo? Coffee, milk, orange juice, tubig? May sandwiches dito kumain ka nun. " sunod sunod na sabi sakin ni Amy.

" Orange juice nalang. Salamat. " sabi ko kay Amy at agad naman syang tumayo para kumuha ng juice sa ref.

Pinaglagay nya ako noon sa baso at kinuha ng sandwiches na bagong labas lang ng sandwich maker. Ibinigay nya ito sakin at nagpasalamat ako saka kumain.

Tahimik lang kaming kumakain until binasag ni Kenneth ang katahimikan.

" Uuwi ka na ba ngayon? " tanong nya sa akin sabay inom ng kape. Tapos na yata syang magbasa ng dyaryo kasi tiniklop nya na iyon at nilagay sa tabi.

Uuwi na ba ako ngayon?

Hindi ko lang rin alam. Pero alam kong sooner or later kailangan ko naring umuwi.

" Oo. " matipid kong sagot sa kanya sabay kain ng sandwich.

" Ihahatid na kita. " pagaalok nya sakin.

" A-ah sige. " sagot ko.

Nung tapos na akong kumain ay nagpasalamat ako kay Amy. Sobrang bait nya sakin these past few days.

  

Parang sya yung bestfriend na wala ako.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon