Chapter 1

1.7K 40 7
                                    

{ Kenneth Elysses Zamora's POV }

Ang pangit nung talaga nung Elysses kong pangalan. Lalaking lalaki na yung Kenneth eh. Tas BOOM! Biglang Elysses. Pambabae. Amp. =___=

Nandito ako sa loob ng room, nakaupo sa upuan ko sa likod at nakatitig sa lahat. Laging may ganun sa wattpad diba? Yung sa likod lagi naupo tas pamysterious effect. Wag nyong sabihing wala dudukutin ko mata nyo. Joke.

Napatingin ako kay Alexi na may kagagahan na namang ginagawa yata sa harapan. Di kaya nahihiya yung babaeng yun? Ayun sya nakaupo sa table tas kumakanta. Di naman maganda boses.

" All by maaaaaaaaaaaaayself! Don't wanna be.. all by maaaayself! Anymooooo - oooore! "

Natatawa ako. Mukha syang tanga dun. Pero di parin sya tumitigil.

Binuksan ko ang notebook ko at nagsimula nalang magsulat ng kung ano ano dun. Boring kasi, wala na namang klase. Tong school talaga namin, napakadaling tamarin ang mga teacher kaya walang klase.

Boring akong magPOV. Si Nicole nalang nga pagPOVhin nyo. -___-

{ Nicole Alexi Demontarena's POV }

Nakaupo ako ngayon sa lamesa at kumakanta ng All By Myself. Makapal na kung makapal ang mukha. Kung naiinggit sila sa trip ko, kumanta din sila. :3

Wala. Free time na naman. Walang magawa. Napakaboring. Enebe. Ganito naman diba pag storya? Laging walang klase? Swerte ko pala. Jk. XD

At dahil wala akong magawa, tumabi nalang ako kay Mr. PMS. A.k.a Kenneth Elysses Zamora.

Sabi niya/nila, ayaw daw ni Kenneth sa pangalan nyang Elysses. Para sakin, ang ganda kaya. Hindi naman pambabae eh. Astig nga eh. Pero ayaw nya talaga. Pag tinawag mo syang Elysses patay ka.

KAYA TATAWAGIN KO SYANG ELYSSES. THE BEST KASI AKO. MWAHAHAHA!

" Yoohooo! Elysses mylaaaabs! " tawag ko dito.

Nung una mukhang di nya pa narinig, kasi tahimik lang sya tas nagsusulat sa notebook nya ng who knows what. Ayaw nyang magpapahawak ng gamit nya. Kala mo naman dyamante gamit. XD

" Elysses! Elysses! Elysses! " pagpapatuloy ko pa.

Naririnig ako ng mga kaklase ko. Nakatingin lang sila sakin ng baliw-ka-ba-bat-mo-ginagawa-yan look. Inggit kayo gayahin nyo mga dre! *O*

" Alam mo naman sigurong ayaw kong tinatawag ako sa second name ko diba? " sabi nito sakin habang nakatungo parin.

" Oo naman! 4 na taon na kitang kaklase eh! " sabi ko rito ng pamatay malisya effect. Gusto kong makita kung hanggang san nya kayang magtimpi. Yey. HAHAHA.

Nga pala, 4th year high school na kami. President sya ng SSG (Supreme Student Government nga ba yon?) at ako naman ay isang mamamayan lang ng bansang to. Kasalanan ko bang di nila makitang worthy ako to become an officer?

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon