Chapter 12

928 23 2
                                    

{ Mikaylla Louise Zamora's POV }

Kasama ko si Amy at si Elay ngayon sa ospital. Kasalukuyang chinecheck up ng doktor si Kuya Elay. May konting pasa, may pilay sa may rib cage at black eye pero okay naman daw si kuya.

Anong okay? May black eye si kuya! MAY BLACK EYE! 

Pag nakita yan nila mama, anong idadahilan ko?

" Mama, natanga po kasi si kuya nabunggo po sya sa pader kaya po sya nagkablack eye. "

Muntanga lang pramis. Pag nakita to nila mama, naku. Hahanapin nila for sure yung nambugbog rine. Kilala ko yang si kuya, ayaw nyang lalaki yung gulo kaya aawatin nya. Dakila e. 

Ah hayaan na. Bahala na si kuya magdahilan. Layo nalang ako dyan. :3 

Kinwento na sakin ni Amy yung nangyare. Sinabi nya rin sakin yung err, sakit nung nanapak kay kuya. Hindi ko sya masisisi, kasi baka inatake lang nung sakit at si kuya napag abutan. Pero sinisisi ko sya sa pagsira ng gwapong mukha ni kuya. =_____=

" Tara na? " sabi sakin ni kuya.

Tumango ako at sinabayan si kuya paguwi. Nagtaxi nalang kami pauwi. Tahimik lang sya buong byahe. Madilim narin nung nakauwi na kami sa bahay.

" Tulog na ko. " sabi nya sakin bago pumasok ng kwarto.

Tumango ako at hinayaan syang gawin ang gusto nya. Binuksan ko ang ref at kumuha ng softdrinks in can. Naalala ko na naman yung kinwento sakin ni Amy, at yung hitsura ni kuya. 

Hindi ko talaga maipagkakaila, naawa ako kay kuya.

{ Nicole Alexi Demontarema's POV }

Umuwi ako sa bahay, pagod na pagod at antok na antok. Nakita ko si mama na nakaupo sa sofa at nanonood ng tv. Nagdirediretso ako sa kitchen at uminom ng tubig. Nung nakabalik nako sa may sala at paakyat sa hagdan ay tinawag ako ni mama.

" Anak, pwede bang, mag usap tayo? " sabi nya sakin.

Tumango naman ako at pumunta sa may sofa at naupo sa tabi nya.

" Bakit po? " tanong ko sa kanya.

" Gusto ko lang na malaman mo na, hindi ako boto sa Franco na yon.  " sabi ni Mama.

" Ah. Okay. " sabi ko. Tatayo na sana ako pero di pa pala tapos magsalita si Mama.

" Gusto ko layuan mo na sya. " sabi ni Mama.

" Yan po yata ang di ko magagawa sa ngayon, Mama. Kailangan nya ako ngayon. " sabi ko kay Mama. AYOKO. AYOKONG LAYUAN SYA. LALO NA NGAYON. Kailangan pa naming iresolba mga problema namin. Ganun naman diba ang mga relationships? May problema?

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon