Chapter 50

202 7 0
                                    

{ Nicole Alexi Demontarema’s POV }

 

 

 

Inayos ko pa ang damit ko bago ako pumasok sa hotel. Kasama ko si Franco at nakakabig ang braso ko sa kanya. Nakasimple akong violet na gown, strapless at may lace effect. Si Franco naman ay nakasimpleng tux pero may purple na tie para matching daw kami. Sabi ko mukha kaming aattend ng prom pero tinawanan nya lang ako.

May nagescort sa amin papunta sa hall kung saan gaganapin ang party ni Milo. Masyadong engrande, mukhang di talaga tinipid. Ako nga yung sixteenth birthday ko nagluto lang si mama eh tas kumain kami nila kuya.

Pagkapasok namin sa hall ay agad na tumambad sa akin ang lugar na puro pink at pang princess ang dekorasyon. May mga tao narin doon ng dumating kami. Kinuha nung lalaki yung regalong dala namin at inescort nya kami hanggang sa tumigil ito sa tapat ng table namin, kung saan nakaupo na si Amy, kasama ang boyfriend nya. Kinuha naman ni Franco yung upuan ko para sa akin at inupo ako ng maayos, saka sya naupo sa tabi ko.

“ Hindi tinipid ah. “ simpleng sabi ni Amy sabay inom ng tubig mula sa glass.

“ Oo nga eh. “ sagot ko sa kanya.

“ Hindi ko pa makita si Milo eh, hindi ko tuloy mabati ng happy birthday. “

“ Hayaan mo mamaya nandyan din yun. “

Unti unting dumating ang mga tao at nagsimula na ang party. May program pang naganap at talagang naging bida si Milo sa gabing ito. Napakaganda din nung pagkakaayos sa kanya, light na makeup lang tas maganda yung pink tulle gown nya. Bumaba din sya sa stage at nagikot. Nung nakita kong papalapit na ng papalapit dito yung magulang ni Kenneth eh bigla na namang bumalik yung kaba ko na hindi ko alam kung saan nanggaling. Pinilit ko nalang maging kalmado at ngumiti na hindi mukhang pilit o fake.

“ Si Ate Amethyst and Ate Nicole, dating housemates ni Kuya. “ pagpapakilala pa ni Milo sa amin nung dumating sya sa may table namin.

“ Yes yes I know them. “ mabilis na sagot ng mama ni Kenneth. Hindi parin nagbabago ang hitsura nya, ganoon parin katulad nung huli kong makita ito.

“ Hello po tita, you look stunning tonight. “ complement ni Amy. Ako naman ay nanatiling tahimik lang at nananalangin na hindi mapansin ng mama ni Kenneth.

“ Thanks Amethyst. “ maikling sagot lang nito. Nakita ko syang napatingin sa direksyon ko at bigla naman akong napalihis ng tingin.

Saglit lang din nagstay doon si Milo at lumipat na sya sa sumunod na table. Unti unti nang sineserve yung pagkain ng may dumaan sa harapan namin. Agad naman akong kinalabit ni Amy.

“ Tamo yan, bagong gf ni Kenneth. Mukhang fake. “ mahinang bulong ni Amy. Tinuturo nya si Anna Marie, na ngayon ko lang napansin na nasa table lang pala na katapat namin. Nakakulot ang buhok nya at nakasuot sya ng cream na strapless gown din, pero kaiba ng style ng sa akin. Parang pang innocent ang theme ng suot nya. Kakagaling lang siguro ng restroom kasama si Kenneth at kakaupo lang din naman kasi ni Kenneth sa upuan nya.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon