Chapter 28

756 17 2
                                    

{ Nicole Alexi Demontarema’s POV }

Hindi bumalik si Kenneth the day after nung kinwentuhan nya ako. Medyo nag – alala nga ako eh, alam nyo naman yon, medyo impulsive. Mamaya baka kung anong gawin. Ayy, ako pala yung impulsive. Teka, ano nga pala yung impulsive? Diba yun yong, ano, basta basta nalang kikilos bigla bigla? Yun nga ba iyon? Ay. Whatever.

Binisita rin ako ng doktor. Naicheck ako, yung ganon. Sabi makakalakad pa naman daw ako basta therapy therapy lang saka wag biglain yung binti ko. Okay na ko dun, at least intact parin ang dalawa kong binti. Hintay hintay din habang may time. :3

Inabutan ako ni kuya ng isang bote ng Mogu mogu, ang pambansang inumin sa bansa ko. Charaught. Favorite ko talaga kasi ang Mogu mogu! Lalo na yung lychee flavored!

Habang umiinom ay napansin ko si kuya na ngiting ngiti ng bonggang bongga habang nagtetext yata sa kanyang cellphone. Kumikire talaga tong si kuya na naman.

“ Ano namang nginingiti mo dyan ha? Nanonood ka ng porn no! “ pag – aakusa ko sa kanya.

“ Anong porn? Hindi ako nanonood ng ganun no. At saka walang ganun sa cellphone ko tangi. “ sabi nya sakin, yung tomno medyo gulat na medyo defensive. Sus. Bulaan. :P

“ Kung di ka nanonood anong nginingiti mo nga dyan! “ sabi ko sa kanya. Kasi naman nakakairita na yung pagkakangiti nya. Kala mo kung sinong niloloko sa ngiti nga. Yung ngiting nakakagago ika nga.

“ Gf ko katext ko. “ sabi nya sakin, yung mata nakafocus parin sa cellphone nya. Ayy, tuhray! Gf daw oh! Ang corny nung joke grabe hindi ko alam kung matatawa ako o ano.

“ Sus. Ikaw? Gf? Yang mukhang yan nagka – gf? Bulaan! “ sabi ko sa kanya. Hindi kasi ako makapaniwala. Sino kayang makakatyaga sa lalaking yun eh lakas makapanggago nun.

“ Meron nga akong gf bakit ayaw mong maniwala! Papapuntahin ko sya dito para maniwala ka. Bukas! Isasama ko sya dito. “ paga – anunsyo nya sakin. K fine. Baka naman kasi hangin ang papuntahin. XD

Inabot ko yung cellphone ko mula sa side table. Kahapon ko lang nakuha yung cellphone at ipod ko kila  Ate Galeen eh. Buti nga nakuha ko pa eh. Hehe. In – unlock screen ko at nagsimulang maglaro na lamang ng coin dozer.

Malapit nang maubos yung coins ko ng biglang nagvibrate yung phone ko, indicator na may text na dumating. Agad agad ko namang in – exit yung game at tiningnan yung text.

From : Kenneth :P

Sorry I didn’t visit yesterday. Nag – enroll ako yesterday eh. In – enroll narin kita.

Ayy,  in – enroll ako? Saang school? Teka, wala akong kaalam alam sa mga nangyayari omg whut is this.

To : Kenneth :P

Saang school? Anong enrolled? Wtf?

Hindi pa nagtatagal ay nagreply sya agad. Daming load yata eh. XD

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon