Chapter 9

952 21 0
                                    

{ Kenneth Elysses Zamora's POV }

Alam nyo yung badtrip ako, tas lalo pa akong binadtrip?

Kainis talaga kahit kelan yung Demontarema na yun. Nasa clinic ako ngayon, pinapaasikaso sa nurse yung paso sa braso ko. =_________= Pagbabayaran nya to lahat. 

Badtrip na nga ako nung sabado palang tas dadagdag pa sya. Nung sabado kasi, nung pumasok ako sa KFC, tumapat akong dun pa sa likod ng table nila Amethyst umupo. Tas pinapakinggan ko pinaguusapan nila.

Tas ang landi nila. Naghaharutan sila sa loob ng fast food chain. Nairita lang ako di ko naubos kinakain ko sa sobrang bwisit.

Nakakainis talaga mga tao sa kwentong to! Punyeta. 

" Ayan Kenneth okay na. Babalik ka na ba sa klase mo o dito ka nalang? " tanong sakin ni Nurse Galeen. Mabait yan tas kaclose ko yan.

" Dito nalang po muna ako, Nurse Galeen. " sagot ko sa kanya.

" Bakit ka ba napaso? Nagtataka lang ako. " tanong sakin ni Nurse Galeen habang inaayos nya yug gamit nya sa table.

" Binuhusan kasi ako ni Demontarema ng mainit na tubig. " sagot ko habang nakahiga sa isa sa mga hospital bed dun.

" Ah si Nicole ba? Palabirong bata yon saka lagi rin yung nandito nun. Pero, alam mo ba kawawa na yun. " sabi sakin ni Nurse Galeen habang nakaupo sa upuan nya.

" Talaga po? Di naman mukhang kaawa awa yun eh. "

" Yung si Nicole, lumaki yan na mommy at kuya nya lang meron sya. Sabi nya nasa states daw papa nya. Pero yung papa nya, matagal na yung patay. " sabi ni Nurse Galeen habang nakangiwi.

" Talaga? " tanong ko habang inaayos ang higa ko, yung nakaharap ako kay Nurse Galeen.

" Mmm hmm. Pero bata palang sya nung nangyari yon. Mahal na mahal ni Nicole yung tatay nya kaya tinago nalang ng mommy nya na lihim ito mula sa kanya. Kasi, noong mga panahon na yon, galit si Nicole sa mommy nya kasi may.. family problem. Tas yung papa nya yung nagbati kay Nicole at mommy nya. " sabi ni Nurse Galeen.

 

" Bat andami mo naman yatang alam Nurse Galeen? " tanong ko sa kanya. Ang dami nya kasing alam.

 

" Pamangkin ko kaya si Nicole. Uy ha! Secret lang natin to! Wag mong sasabihin ang kahit na anong pinagusapan natin kay Nicole ha? " pakikusap ni Nurse Galeen.

Nagulat nalang kami ng biglang pumasok si Nicole sa clinic.

" Ano yung wag sasabihin? " tanong nya samin.

Ngumiti si Nurse Galeen sa kanya. Sasagot na sana si Nurse Galeen ng inunahan ko syang magsalita.

" Wala. Istorbo ka sa kwentuhan namin. " sagot ko sa kanya.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon