{ Nicole Alexi Demontarema’s POV }
Napalabas agad ako ng 7-11. Habang naglalakad palayo ay nasapo ko ang noo ko. Bakit ko yun napagsasabi sa kanya? Hindi kaya sa nalaman nya, baka layuan nya na ako? Baka magalit din sya sakin o ano? Malamang iiwasan nya na ako? Baka magbago na paningin nya sakin– teka paki ko ba doon?
May paki nga ba ako? Meron.. siguro? Kasi ano? Kaibigan ko na sya at kaibigan nya ako? Hindi ba ano, kailangan humihingi ng permiso sa pagiging friends o ano?
Naguguluhan ako sa sarili ko at sa pinagiiisip ko at sa pinaggagagawa ko ngayon. Hindi ko na naman alam.. hindi ko na naman alam ang gagawin ko.
Naglakad na lamang ako pauwi at sinigurado kong mabagal lang ang lakad ko. Kailangan ko ng ano, oras. Para makapag isip isip at makapagayos ayos ng sarili.
Yung kanina, hindi ko alam kung bakit pero, nung kinekwento ko sa kanya yung mga pangyayari sa buhay ko nun, parang mas nakagaan pa ng loob ko sa kanya. Yung tipong parang mas feeling ko naging close kami o ano. Hindi naman sa assuming ako o ano pero yun yung feeling ko. Kasi parang naibahagi ko narin yung mga lihim ko sa kanya na ni kanino hindi ko naipagsabi. Ni kanino talaga hindi.
Wala naman kasi talaga ako nung masasabi mong ‘bestfriend’. Oo may mga kaibigan ako, may mga kaklase akong nakakasama pero ni isa don wala akong maituturing na bestfriend. Alam ko namang pagtalikod ko nagsasalita rin sila ng masasamang bagay tungkol sakin. Ganyan naman ang lahat ng tao e.
Pero, si Kenneth, kahit ngayon lang sya parang naging ganun kaconcerned sakin, pakiramdam ko, matagal na kaming close. Yung hindi medyo awkward nga. Ah basta. Medyo mahirap iexplain.
Yung ano, basta tipong parang nandun talaga sya nung nangyari yung lahat ng kinwento ko kasi dahil hindi naman sya nagreact o umepal sa pagsasalita ko e feeling ko naiintindihan nya. Di ko sure kung naiintindihan nya talaga pero feeling ko lang.
Siya saka si Amy na siguro yung closest sa definition ng ‘bestfriend’ ko. Huwag nyo nang tanungin kung anong definition ko nun kasi baka mabore kayo. Hindi naman sa mababa ang standards ko sa bestfriend, ang cliché lang talaga.
Ayun, naglalakad parin ako pauwi. Alam kong malayo pa lalakarin ko pero pinanindigan ko parin tong bugso kong desisyon na unti unti ko nang nireregret. Medyo sumasakit na binti ko e. T^T
Dinukot ko ulit mula sa bag ko ang ipod ko at sinalpak ito sa tenga ko. Nakikinig ako sa music habang naglalakad para mawala sa isip ko yung sakit ng binti ko.
Maya maya ay nakaabot ako sa may pedestrian. Pero hindi muna ako tumawid kasi nakagreen yung traffic light. Naramdaman ko naman ang pagvibrate ng phone ko kaya nilabas ko ito mula sa bag ko.
From : Kennethchu~
Okay ka lang ba? Nasan ka? Sundan kita.
Magrereply sana ako sa kanya na wag nya na lamang akong sundan at okay lang naman ako pero nagred na yung light at pupwede nang tumawid. Tumawid naman ako ng kalsada tas nagpatuloy ulit sa paglalakad. Hindi nagtagal ay sumuko na ang binti ko at sumakit na talaga. Saka dumidilim na pati. Siguro mga 6 na o magse-7.
BINABASA MO ANG
Kenneth Be Reached
Teen FictionFINISHED. I cannot reach you for we are two different things. You are the sky and I am the earth. We meet but never touch.