Chapter 34

725 23 6
                                    

{ Nicole Alexi Demontarema's POV }

" Good morning! " bati ni Joyce saming lahat. Nasa block section room namin kami ngayon kasi block class ngayon. Meaning, yung mga block mates ko na galing rin sa ibang course eh kasama ko ngayon dahil may mga paguusapan kami. May ganito three times a week daw. Okay wala naman akong problema dun hehehe.

" So, sa saturday, may acquaintance party organized ng Student Council. Every year may ganito para sa mga freshmen. Everybody will be there. " sabi ni Joyce. Nagbulungan naman yung iba sa sinabi ni Joyce. Ako naman nakinig nalang. Wala kasi si Amy ni Kenneth dito. Nasan kaya yung dalawang yun?

Di kaya anoooo.. nagdadate sila? Kaso eh, bat sila magdadate sa ganitong araw kaya medyo imposible yun.

Ah baka naman may pinuntahan lang. Oo nga. Baka naman may binibili or whatever. Yeaaaa~

" Wear something presentable too. Party starts at 6 sa Grand Hall. Questions? " tanong ni Joyce sa mga blockmates namin pero mukhang naexcite lang sila masyado kaya walang nagtatanong. Bumuntong hinga nalang si Joyce at bumaba na dun sa parang platform sa may board.

" Uy! "

Nagulat ako at muntik muntikan nang malaglag sa upuan ko sa gulat. Lecheee. Nilingon ko ito at nakita ko si Michelle na nakangiti sakin. Akala ko naman kung sino whew

" Uy din. " sabi ko sa kanya. Naupo naman sya sa may upuan ni Amy sa tabi ko tas humarap sa akin.

“ Alam mo na ba susuotin mo sa Saturday? “ tanong nya sakin habang ngiting ngiti. Good mood na good mood yata to ah.

“ Oo nga. Kayo anong susuotin nyo sa Saturday? “ tanong ni Joyce sa kabilang side ko. Naupo sya dun sa isang upuan.

“ Hindi ko pa alam e. Kahit ano naman diba? “ sabi ko sa kanila.

“ Ang sabi, wear something presentable. Siguro casual na pamparty ganon? “ sabi ni Michelle habang ngumunguya ng chewing gum.

“ Oo siguro. Ang takbo ng party e una freshies muna, tas saka dadating ang ibang years para may solo time daw ang mga freshies na magparty. Buong magdamag daw e. “ tuloy tuloy na sabi ni Joyce.

“ Weh omg? Ang saya siguro nuuun! Hahanap ako ng fafabols dun. Sama kayo? “ sabi ni Michelle na nagshift sa pagkakaupo nya.

“ Sige ako sama ako. “ pagdedeklara ni Joyce. Ay taray! Akalain nyo nga naman, may tinatagong kakirihan rin pala tong president naming to! Omggg :””> Like me charot. XD

“ Eh ikaw Nicole? Sama ka samin? Pogi hunting tayo! Tas hingi hingi narin ng number pag may time! “ pag aaya ni Michelle. Nagpuppy eyes pa. Tumango nalang me. Para dalagang pilipina ang epek! Hihihihi XD

“ Sabi nung isa dun—“ nagturo si Joyce ng isa naming kaklase “—marami daw pogi sa Engineering. “ sabi ni Joyce with twinkling eyes.

Ay jusme wala pang isang linggo ako sa school na ito maloloka na ako sa mga tao. Ay shet, matagal na pala akong loka loka! Whoops :3

“ Syempre maraming pogi dun e halos puro lalaki sa Engineering department tas matatalino pa! Ayayay! “ paglalabas ni Michelle ng kakirihan.

“ Magtigil ka nga dyan Michelle ayy ayan na si Kenneth ni Amethyst—“ bigla biglang sabi ni Joyce. Napalingon ako dun sa may direksyon na tinitingnan nya at nakita kong magkasama si Amethyst ni Kenneth tulad ng suspetya ko. Hmm. Saan kaya nanggaling tong dalawang to?

“ Hi ladies! “ bati ni Kenneth samin.

“ Yabang nito feeling chick magnet! “ sabi ni Amy kay Kenneth sabay suntok sa braso.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon