Chapter 37

491 19 7
                                    

{ Amethyst Orenia’s POV }

Monday na. Sobrang tahimik pa ng bahay. Umuulan pa. Ano to, rainy days and Mondays?

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng cereal ng makita ko si Nicole na bumaba mula sa taas. Marahil nagtataka kayo kung bakit cereal lang ang kinakain ko, aba, hindi pa bumababa mula sa lungga nya si Kenneth! Simula nung isang araw pa yun, as in ni anino nya wala talaga.

“ Good morning. “ matamlay na bati ni Nicole. Oh, ano namang problema nito? Iniisip nya parin ba yung nangyari nung isang araw?

Kasi ako, hehehe, iniisip ko parin. Ano kaya kasing nangyari? Ano yung nangyari na nagawang maglasing ni Kenneth at magbato ng bote sa sahig like—natamaan kaya ako ng bubog sa binti luh! Lugi pa ako sa pagliligpit ng kalat nya and everything, pero hindi ko naman kayang magalit kasi friends kami haha.

Pero de seriously. Gusto ko na talagang malaman kung bakit nagkaganun yun. Si Nicole din di ko masyadong nakausap nung weekend eh.

“ Oh, bakit matamlay ka yata? “ tanong ko sa kanya. Nasa may ref ito at kumukuha ng gatas. Makikigaya din ng cereal sakin haha.

“ Hindi ko kasi talaga matandaan kung anong nangyari nung araw ng party eh! “ sabi nya sakin habang nakamangot—nakasimangot.

“ Eh di tanong mo sa kung sino? “ hindi sigurado kong sagot. Lol di ko nga alam talaga nangyari hahaha.

“ Wala ngang nagrereply sakin e! “ sagot nya naman.

“ Laslas na fren. Eh what if tanong mo nalang kay Kenneth? “ sabi ko sa kanya tas nagpatuloy sa pagkain.

“ Pinilit ko ngang kausapin kahapon. Kaso nagalit lang sya sakin tas sinabi ang dense ko daw tas pilitin ko daw tandaan ganun. “ sabi nya sakin sabay upo sa tabi ko.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at ganun din sya. Buti nalang talaga Monday ngayon tas may bagyo. So bagyo is equals to walang pasok! Signal number 3 kasi dito.

Alam nyo yun, ang aga ko pa man ding gumising para makapag ayos gawa ng syempre school day na ulit tas makikita ko na naman si Toby—I mean yung mga friends ko sa school yeah tas pagbukas ko ng TV may nakaplaster na signal number 3.

Pagkatapos naming kumain ay nagvolunteer na akong ako na ang maghuhugas ng pinggan. Konti lang naman kasi. So ayun, umakyat na si Nicole ulit—laki yata talaga ng problema nun—tas naghugas na ako.

Hindi nagtagal nakatapos rin ako tas nagpunas ako ng kamay ko sa mini towel. Medyo binilisan ko na nga talaga yung paghuhugas kasi kanina ko pa naririnig yung phone ko na naiwan ko sa kung saan.

Hinanap ko yung phone ko sa sala pero wala. Hinanap ko yung phone ko sa table pero wala. Hinanap ko yung phone ko sa ibabaw ng ref pero wala din.

Tas tumunog ulit. Hinanap ko yung source ng sound tas lumapit pa ako lalo sa may sala, sa may sahig, sa may carpet at nakitang kikisay kisay yung phone ko sa may ilalim ng upuan sa sala.

Hehehehe. Medyo malabo na yata ang mata ko. Hehehehe.

Nai-unlock screen ko ang phone ko at sandamukal na text ang sumalubong sakin. Joke di naman mga 4 lang.

From: Toby

Good morning Amethyst! J

From: Toby

Si Amethyst ka ba? Kasi ‘amethyst’ na kita!

From: Toby

Pfft hindi yata nakakatawa yung joke slash pick up ko pero tawanan mo na

From: Toby

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon