Chapter 4

1.2K 29 2
                                    

{ Kenneth Elysses Zamora's POV }

Pagpasok ko sa school, hindi ko sinabay si Milo. Bahala sya sa buhay nya kung papano sya makakapunta dito. Tulad naman ng sabi ko sa kanya, ayokong malamang magkapatid kami. 

Pero, pakshet talaga yung batang yon.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa room, nakikifeeling close na yung mga kaklase ko. Sinasabi ang cute daw ng kapatid ko, ang cute daw ng pangalan, matalino daw, bat di ko daw sinabi na may kapatid ako ganun.

Eh paki ba nila. =____=

Isa pa tong papalapit na to sakin sa mga badtrip sa buhay ko. Si Demontarema.

Hindi ko alam pero pag nakikita ko sya gusto ko nalang ihambalos sya sa pader.  O kaya ipakain sa mga leon. Nakakairita sya. Parang isip bata na nakadrugs na hindi malaman kung san ba talaga lulugar. Iniisip ko palang ugali nya nasusuka nako. Ganun sya nakakahilo. -____-

Pero ang sarap nya pagtripan. >:D Para sya kasing batang uhugin kung umiyak pag natalo. Yung bang, luging lugi mukha nya. Kaya ang sarap pagtripan. Mwahahahaha.

" Kenneth! Asan na yung ipod ko? " sabi nya sakin.

Tiningnan ko lang sya ng pa poker face. Sya naman naka kung anong hitsura yun na pag nakita mo, gugustuhin mo talaga syang ibato sa ibang planeta sa sobrang nakakairita.

Para umalis narin sya sa harap ko, dumukot ako sa loob ng bag ko tas nilabas ko yung isang maliit na transparent na box. Ipod shuffle. Binilhan ko sya ng ipod shuffle kasi binato ko yung dati nyang second hand. Yung binili ko, kulay light pink. Kasi alam kong mahilig sa pink yung batang yon. Bag palang nga pink na pink na. Diba ang bait ko?

Nagulat nalang ako ng bigla nya akong niyakap.

" KYAAAAAH! OMGGG. THANK YOU KENNETH! AYLABYUSOWMATS! NYIHIHIHIHI! " 

Tinanggal ko sya sa pagkakayakap sakin. Para naman syang koala na di matinag. Tinitigan ko nalang sya. =_____= Maapektuhan ka sana ng kalamigan ko.

Pero, di rin sya tinablan. -____- Ano bang meron sa babaeng ito? 

" Hoy. Nakakarami ka na yata ng yakap Alexi. " sabi ko sa kanya.

" Di naman! Mga 56 lang! Hihihihihihi. " 

Tamo to oh, baliw. 

Tinanggal ko sya sa pagkakayakap sakin. Akala ko lulubayan nya na ako pero hayun, naupo parin sya sa tabi ko tas binuksan yung kahon.

" Pwede mo naman yang gawin sa proper seat mo diba? " sabi ko sa kanya

" Bakit? Ayaw mo bang kalapit ako? " tanong nya sakin sabay pout. =______= 

Psh. Isip bata talaga to. Parang di fourth year student.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon