{ Nicole Alexi Demontarema’s POV }
So ayun, nilalaro nya parin yung Elmo nya na stuffed toy nung napuno na yung van at umalis na kami. Ang cute lang talaga.. nung Elmo. Inunahan nya ako e T^T Eh nakakahiya naman kung bibili rin ako ng ganun, tas parehas kami ng stuffed toy. Diba? Awkward masyado kung ganon.
Binuksan ko yung bag ko at kinuha dun ang ipod ko at earphones at saka ako nakinig sa music. Naiplay ko ito at nagsimula yung tugtog. Luuh. XD Nagulat ako ng bigla nyang kinuha yung isang earphone at nilagay sa tenga nya ng walang kapermi-permiso. Pasalamat sa medyo goodmood ako ngayon at hindi ko sya nasigawan. Nakakahiya pati kasing sumigaw sa van, lalo na kung maraming nakasakay at pampasahero pa yung van.
Nai-lean nya yung ulo nya sa upuan at yakap yakap parin yung Elmo na stuffed toy. Bakit ganun kaya no? Kahit kelan, alam nya yung mga tamang salita. Yung kanina, nung kumakain kami.. alam nya na naman yung mga right words. Yung mga salitang nakakapagpagaan ng loob? Yung ganon. Ako naman, lagi kong nakikita ang sarili ko na sa end of the day nagtha-thank you sa kanya. Ilang beses nang nangyari yon pero di parin ako nagsasawa. Baka kayo nagsasawa na sabihin nyo sakin ah?
Kasi ano. Grateful ako kasi may mga tao pa na katulad ni Kenneth sa mundong ito. Yung mga tipong alam yung mga sinasabi nila. Yung nagsasalita ng mga bagay na kailangan mong marinig at paminsan minsan, yung gusto mong marinig kung kinakailangan. Ganun. Yung tipong hindi nila sasabihing maganda ka dahil gusto mong marinig, sasabihin nilang pangit ka kasi yun yung totoo, yung parang ganun?
Paminsan minsan naguguluhan ako sa mga bagay bagay. Lalo na yung mga nangyari at nalaman ko nitong mga nakaraang araw. Pero pag naiisip ko yung mga sinasabi ni Kenneth mas naliliwanagan ako sa lahat ng bagay. Iniisip ko rin, gusto kong makita yung mundo sa mga mata ni Kenneth. Ano kaya yun? Mas maganda kaya yung mundo sa mga mata nya? O parehas lang o ano? Gusto kong malaman.
Teka, nonsense na yata pinagsasasabi ko. Matutulog nalang muna ako. Naikiling ko yung ulo ko sa may upuan tulad ng ginawa ni Kenneth kanina. Napatingin ako sa may bintana. Umuulan. Hindi naman malakas, hindi rin mahina. Yung ano, tama lang. Yeah. Yung maririnig mo yung patak ng ulan pero hindi naman ganun kasakit sa tenga. Nakakarelax pa nga sya eh, infact.
Naibaling ko naman ang atensyon ko kay Kenneth. Nakapikit sya, marahil ay natutulog, tas yakap yakap nya parin yung stuffed toy. Hindi ko alam kung anong nararamdaman nya ngayon pero sana napasaya ko talaga sya.
{ Alyssandra Mari Guevarra’s POV }
“ All right? “ tanong ko kay Franco na naglalagay ng mga damit nya sa cabinet. Ni isang guhit ng emosyon wala akong makita sa mukha nya. Good.
Tumango lamang siya sa direksyon ko as an answer. Binaba ko yung mga hawak kong bulaklak at nilagay sa vase sa loob ng kwarto nya. Alam kong ayaw nya ng bulaklak, I just did that to annoy the hell out of him. Pagkababa ko sa mga flowers ay nahiga ako sa kama nya. Agad naman syang napatingin sa direksyon ko. I could’ve sworn he was about to say something, pero nagkibit balikat lang sya at bumalik sa paglalagay ng damit sa cabinet.
“ So, are you not like, gonna talk for the rest of your life? “ tanong ko sa kanya. I started playing with the hem of the blanket on the bed just to do something. Inintay ko ang sagot nya, pero ayun parin sya, busy maglagay ng punyetang damit sa cabinet.
BINABASA MO ANG
Kenneth Be Reached
Teen FictionFINISHED. I cannot reach you for we are two different things. You are the sky and I am the earth. We meet but never touch.