Epilogue

465 18 15
                                        


Author's Note (huwag mo nang lampasan last na naman eh hahahaha):

Guys, bago ang lahat, maraming salamat sa mga nagbasa ng kwentong ito hanggang sa pinakadulo. Alam ko ang tagal ng updates pero finally after two years natapos ko narin sya! Kaiyak diba. Huwag naman po paki-spoil ang ending sa iba, i-suggest nyo lang to sa kanila para basahin nila tas yung may pinakamaraming referral may prize na kpop merch (joke charot hahaha hakot ng readers ampucha) pero de seryoso, kung wala kayo, wala akong mapaghuhugutan ng lakas (aww). Sana naman hindi kayo na-excite basahin ang last chapter at lagpasan ang author’s note ko, last ko na naman to dahil nga tapos na to.

 

Naalala ko pa nun, third year high school pa ako noong sinimulan ko tong story na to tas—pucha oo na eto na alam kong gusto nyo na talagang magbasa, saka na ako mag-re-reminisce hahahaha! Maraming salamat talaga sa nandyan simula una hanggang huli, love you all hahahaha.

Kung may tanong kayo o hindi naintindihan or may lapses of logic, i-PM nyo ako or comment below, sasagot ako! 

Hindi ko na patatagalin pa—ayan na magbasa na kayo. Sana ma-enjoy nyo, kung crappy man ang kinalabasan, edi wow jk hahahahaha (baliw na ata ako hahaha jk). Sana—basta basahin nyo na nga lang!

Hanggang sa susunod na kwento! (/ *u*)/

Ria, signing off.

 

- - - - - - - - - -- - - - -- - - - -- - - - -- - - - -- - - - -- - - - -- - - - -- - - - -- - - - -- - - - -- - - - -- - - - -- - - - -- - - - -- - - -

EPILOGUE

 

{ Mikaylla Louise Zamora’s POV }

Maaga akong bumangon ngayong araw na ito. Maaga naman ako kung gumising pero relatively, mas maaga tong gising na ito. Alas otso pa naman ang pasok ko sa klase kasi syempre, college na, batugan life, kung pwedeng magpa-late parin ng pasok edi go. Alas singko palang ng umaga ay gising na ako at nagluluto ng mga pampalaman sa tinapay, tulad ng ham at itlog. Kinuha ko narin yung mga prutas na binili ko kahapon sa grocery store bago ako umuwi galing school at nilagay iyon sa isang paper bag. Matapos magluto ay ipinalaman ko na yung mga ham at itlog sa tinapay saka binalot isa isa sa tissue saka nilagay sa loob ng paperbag. Nag-umagahan ako at naligo kaya mga 7 ay nakaalis na kaagad ako ng bahay. Tama, may exam ako ng 8.

Medyo dali dali parin akong pumasok sa campus, syempre may pangamba parin na baka mahuli ako sa klase. Nakarating ako sa classroom ng mga 7:50, dala dala ang aking bag at yung paper bag na may pagkain. Pagkaupo ko ay inayos ayos ko pa ang sarili ko at uminom ng tubig dahil medyo nauhaw ako—bakit ka ba umiinom ng tubig? Diba kapag uhaw?

“Pahingi naman ng pagkain! Ang dami mo namang dala dyan!” ani ng isa kong kaklase at akmang kukuha mula sa paper bag ng tinapay. Mabilis akong nakakilos at hinampas ko ang kamay nito palayo habang nakasimangot.

“Hindi pwede, hindi para sayo yan. Bumili ka nalang sa canteen. Ang PG naman nito!” sabi ko rito.

“Grabe ka naman, para kanino ba yan at ang dami dami naman ata? Bawal pang bawasan.” tanong naman ng kaklase kong iyon sakin.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon