{ Amethyst Orenia’s POV }
Hila hila ko ang maleta ko pagkababa ko ng taxi. Papunta palang ako sa front door ng mapansin ko na parang may kung ano sa may gilid ng bahay kaya iniwan ko saglit yung maleta ko sa harap ng pintuan—wala namang mawawala dyan hahaha—tas pinuntahan ko yung gilid ng house. Nagulat ako ng makita ko ang mga piraso ng basag na salamin sa sahig. Pag tingala ko ay nakita ko yung bintana na basag.
Omg! Nanakawan ba kami? Nasan kaya si Nicole at Kenneth? Omg—baka naman sinaktan sila ng mga magnanakaw!
Dali dali akong nagpunta sa may front door at kinuha ang susi ko sa bag at binuksan ang pintuan. Hila hila ko ang maleta ko habang dahan dahang naglalakad sa may sala. May nakita akong vase sa may table sa sala kaya kinuha ko ito pang self defense. Iniwan ko ang maleta ko sa sala at nagpatuloy sa paglalakad sa iba’t ibang parte ng bahay. Inuna ko ang kitchen, nagtago muna ako sa may ref tas wala naman pala. Nagpunta ako sa may taas at ingat na ingat akong hindi makagawa ng tunog. Binuksan ko yung kwarto ni Nicole pero wala namang tao. Binuksan ko yung kwarto ni Kenneth at nakitang magulo yung kwarto, pero sa gitna ng sobrang daming kalat—ang dami talaga kasi grabe—ay nakaupo si Nicole at Kenneth.
Naglalaro sila ng snakes and ladders.
“ Ang daya mo binago mo yung lumabas sa dice para makapagladder ka! “
“ Hindi ah! Nakita mo naman oh binato ko yung dice tas 6 lumabas. “
“ Eh! Hindi eh! 4 lang eh! “
Nagtatalo pa silang dalawa ng kumatok ako sa pintuan. Napalingon silang dalawa sakin.
“ Bat ka may hawak na vase? “ tanong agad sakin ni Kenneth. Napatingin ako sa kamay ko at nakitang may hawak pa nga akong vase. Binaba ko naman agad yun sa may tabi.
“ Kasi nakita kong may basag na bintana sa labas tas akala ko may magnanakaw! “ sagot ko. Nagkatinginan naman sila agad na para bang may alam sila na hindi ko alam. Siguro nga meron kasi isang linggo din akong nawala.
“ Ah that was my fault. Naiwan ni Nicole kasi sa loob susi nya tas nawawala yung akin. Hindi kami makapasok kaya sinira ko yung bintana. “ natatawang sabi ni Kenneth. Kinabahan talaga ako akala ko nanakawan na kami leche naman tong mga to.
Nakapamewang naman ako tas ngumuso ako sa kanilang dalawa.
“ Oy kayong dalawa, naresolba nyo na yung mga kadramahan nyo sa buhay nyo habang wala ako? “ pagtataas ko ng kilay ko sa kanila. Nagkatinginan na naman sila—teka tinginan sila ng tinginan. Could it be—
“ Yep okay na kami! “ sabi ni Nicole habang nakathumbs up.
“ More than okay, we’re officially dating. “ sabat ni Kenneth.
“ Officially dating ka dyan! Wala kang sinasabing nanliligaw ka! “
“ Dating is going out! Courting ay panliligaw! “

BINABASA MO ANG
Kenneth Be Reached
Teen FictionFINISHED. I cannot reach you for we are two different things. You are the sky and I am the earth. We meet but never touch.