Chapter 3

1.2K 31 1
                                    

{ Kenneth Elysses Zamora's POV }

Pumasok ako sa bahay ko. Kakahatid ko lang dun sa babaeng bopols at walanghiya na nagngangalang Nicole Alexi Demontarema. Pagkasara na pagkasara ko ng pintuan, may kung sinong dyablo ang yumakap sakin.

" Hi Elaaaaay! " sabi nito sakin habang nakayakap.

" Get off me, chocolate drink. " sabi ko dito at tinanggal pagkakayakap sakin.

Si Milo yun. Mikaylla Louise Zamora. Younger sister. 1 year ang agwat. 3rd year high school. Makulit. Pacute. Pambwisit sa buhay. Mabait DAW. Maganda. Eto number, plug ko sa inyo.

Joke. 

Dumiretso ako sa kitchen at kumuha ng pitsel sa ref. Basta basta ko nalang tinungga yung laman ng pitsel. Paki nila, eh sa gusto ko.

" Yuck Elay. Where are your manners? " sabi nya sakin na parang nandidiri. Arte.

" Naiwan ko sa school. " sabi ko dito. 

" Harhar. You're so funny KUYA. " sabi nito ng sarcatic.

" Talagang gustong gusto mong ginagamit yung kuya ah? " wika ko.

" Nakakahiya naman kasi sayo kung di kita gagalangin. How rude of me if I don't call you my older brother. " sabi nya sabay taas ng paa sa coffee table ko.

 Pustahan, may kailangan to sakin. =_____=

" Anong kailangan mo chocolate drink? Inaaksaya mo oras ko. " sabi ko rito.

Sanay na naman yang kapatid ko sa pagtrato ko sa kanyang ganyan. Eh sa ganito ugali ko eh, hindi nyo na pwedeng baguhin.

" Patira muna. " sabi nito.

" Ha? " tanong ko.

" Lumayas muna ako satin kasi :3 " sabi nito.

" Para kang tanga. Bat ka lumayas dun, eh sunod nga luho mo dun? "

" Kasi, nakipag away ako sa dati mong school. Tas, naoffice ako. Nalaman ni Daddy, ayown. Nagalit. XD " sabi nito na nakangiti pa.

Tamo to, nakipag away na nga, naoffice na, naglayas na, tuwang tuwa pa. Muntanga talaga. Parang si Alexi. =____=

" Kanyang linis, kanyang luto, kanyang gamit, kanyang bayad dito. " simple kong sinabi.

" Sure! Nangupit naman ako bago ako umalis eh. " sabi nito na ngiting ngiti pa.

Napafacepalm nalang ako. Bat ba ganito na mga babae ngayon? -_____- Ang laki ng problema ko. Krisis na to.

" Bahala ka sa buhay mo. " sabi ko nalang sabay lakad papasok ng kwarto.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon