Chapter 29

743 16 3
                                    

{ Mikaylla Louise Zamora’s POV }

Naggagala ako ngayon. Nakakabore kasi sa bahay. Iniwan ba naman ako ni Kuya eh. Late akong nagising, pagtingin ko, wala na sya. Nakatambay na naman yata sa ospital. Nako. Baka magpasagasa rin yon para maconfine sa ospital at tuluyan nang makasama si Ate Nicole. Hahahaha XD may kakirihang di inakala talaga iyong si kuya. Everyday ba naman dumadamoves e.

Ayon. Speaking of Ate Nicole, naalala ko na naman yung gwapo – asungot nyang kuya. Leche. NaLSS pa nga ako run sa kanta nya. Badtrip. Naigoogle ko pa yung lyrics. -_______- Sus. Kay luma na pala nung kanta. Tanda na kasi ah nung Kean Benedict na yun ah. Huuuuuu. Pogi ng pangalan, di naman yung mismong tao.

Pumasok ako sa 7 11 – obviously ang paboritong store ng kwento na to – at agad akong sinalubong ng lamig. Epek! Mwehehehehehehe. Ang lamiiiiig. :3 At ayon. May isa pang sumalubong sakin. Tumalikod ako bigla at lalabas na sana ng 7 11 ng agad agad ng bigla syang nagsalita.

“ Mikaylla Louise! “ sigaw nya pa sakin.

Ermegehd. Punyatera. Ermegehd. Full name pa. Ermegehd. Lumingon ako ng paepek at nakita ang isang lalaking masarap sapakin ng paruot parito dahil sa sinigaw nya ang pangalan ko sa loob ng 7 11. Gusto ko nang magpalamon sa lupa. Pero syempre, di naman ako  kayang lamunin ng lupa dahil kuya ko si Elay at maganda ako at hindi ko rin kayang sapakin ng paruot parito yung tumawag sakin dahil mas matanda sya sakin ng ten years. Lol. Di naman yata aabot sa ganun, pero ganun na rin yon.

“ Bakit ba? “ walang galang kong tanong nung malapit na sya. Nakakahiya kaya. Isigaw ba naman pangalan mo sa 7 11 eh.

“ Bawal kang tawagin? “ tanong nya tas pinat nya yung ulo ko na parang pusa at medyo ginulo nya yung maganda kong pang dyosa na buhok. Kala mo kung sinong gwapo.

“ Bawal sumigaw sa 7-11. “ sabi ko na lamang sa kanya. Totoo naman kasi. Dejk. Hindi ko lang alam ha. Pero syempre, tinatanong pa ba ang ganun.

“ Okay lang yan. Ako naman may ari ng branch na ito eh. Abswelto ako. “ matapang nyang sabi. Yabang talaga. Kaya mukhang di kagalang galang eh.

Yung nga palang kausap ko ngayon ay yung asungot na kapatid ni Ate Nicole. Oh galang ko diba? SI Ate Nicole ina-ate ko tas yung kuya nya di ko ginagalang. Ganyan talaga buhay. Pyutur sistuuur in law ko naman si Ate Nicole eh. Si Kean, kapatid ng pyutur sistuuur in law ko. Eh di ano, brother in law ko sya? YAAAAAK.

“ Pwedeng pabuhat? “ sabi nya sakin habang inaabot yung pinakamaliit na plastic bag na bitbit nya. “Ilalagay ko lang yung pera sa bulsa ko.” How adorable.

Syempre, no choice ako kundi kunin yung plastic bag. Binulsa ni Kean Benedict yung pera nya at nagsimula nang maglakad palabas. Ayyy may balak iwan yung binili nya?

“ Oy. Psst. Yung binili mo. “ sabi ko sa kanya habang inaabot yung plastic bag. Medyo umirap lang sya at naglakad ulit papalayo. “ Sumama ka nalang pabalik ng ospital. “ sabi nya sakin.

“ Eh ayoko, kakain pa ako eh. “ sabi ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit kinakausap ko tong asungot na to eh. Pwede naman kasing hindi kausapin diba? Pero heto, kinakausap ko parin sya.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon