Chapter 48

297 7 2
                                    

{ Nicole Alexi Demontarema’s POV }

Ang tagal narin ng panahon na lumipas. Pinag isipan ko pang maigi yung mga sinabi sakin ni Kenneth. Naiintindihan ko na lalo lahat.

Totoo ang motibo nyang protektahan ako kaya hindi nya sinabi na girlfriend nya ako. Naniniwala ako doon. Kaso, injustice naman yung paglilihim nya sakin ng mga bagay na may concern sa akin. Kung sinabi nya kaagad sakin yon, maiintindihan ko naman sya e. Iintindihin ko sya. Hindi ko alam kung anong dumapo sa isip nya, panic ba yon o pride or ego o ano. Hindi ko alam.

Nung kinagabihan ay hindi ako bumaba para kumain at hindi rin naman ako inakyat nila Amy at Franco dun. Siguro naisip nila na gusto kong mapagisa.

Pero hanggang ngayon meron paring bumabagabag sa isip ko at sa puso ko.

Hindi ko na alam kung mahal ko parin sya o hindi.

Hindi ko talaga alam. Kapag naaalala ko yung good times namin noon, natutuwa ako, pero ewan hindi ko na nararamdaman yung kilig na dati e bumubuhay sakin.

Pakiramdam ko eh unti unti na syang nagfa-fade sa isip ko. Pero may parte ang isip at puso ko na pinanghahawakan parin sya. Hindi ko alam kung bakit. Majority of the time naman hindi natin alam kung ano talagang pinaggagagawa ng puso at isip natin at kung bakit ganoon ang mga nagiging desisyon nila.

Hindi ko na ulit nakita pa si Kenneth after noon. Hindi sya bumalik sa bahay. Akala ko pa naman babalik sya kasi dahil nagsorry sya akala ko gagawa sya ng paraan para magkabalikan kami, pero wala parin.

Ganun nga talaga siguro, hindi talaga nagtatapos lahat sa isang happy ending. Nung una, akala ko hindi ko sya maaabot kasi parang ang taas taas nya para sa akin. Tas naabot ko na, pero yun pala panandalian lang. Parang sa cellphone, kapag nagdial ka, magriring, pero biglang magsasalita ng ‘the number you dialed cannot be reached, please try again later’. Pinaasa ka lang.

Hindi rin ganoon katino ang naging closure namin, pero closure narin yun. Malinaw ang mensaheng pinarating nya. Hindi kami pwede. Tapos. Maybe sa next life time, not in this life time.

Itinuon ko nalang ang pansin ko sa ibang bagay. Occasionally nalulungkot ako, pero tinatry ko nalang na mas ibaling pa yung atensyon ko sa ibang bagay.

Naalala ko pa, nasa isang outreach program kami noon para sa klase namin ni Franco. Nasa may park kami noon at dun kami pumwesto sa may playground para makapagpahinga. Naupo sya sa may tuktok ng dulo ng slide at tumabi naman din ako dun. Tanaw na namin yung buong park habang umiinom ng juice. Nakikita ko pa nga si Joyce na nakikipaglaro sa mga bata pati narin ang iba naming kaklase.

 

“ Alam mo ba kung bakit ako bumalik dito? “ biglaang tanong ni Franco.

 

 “ Sabi mo gusto mong magstart over ng buhay mo? “ patanong ko pang sagot.

 

“ That, and there’s another reason. “

 

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon