Chapter 25

829 17 1
                                    

{ Nicole Alexi Demontarema's POV }

" Ma, kumain muna kayo.. hindi pa kayo nakakakain simula kagabi. "

" Kakain ako mamaya bago pumasok sa trabaho. "

" Eh, matagal pa yon. Baka malipasan kayo ng gutom, heto oh. Kahit tinapay nalang kainin nyo. "

Naririnig ko ang usapan ni kuya at ni.. mama. Ngayon ngayon lang ako nagkaron ng malay, nung una kong marinig si kuya na nagsasalita.

Una, pinilit kong igalaw ang mga daliri ko pero hindi ko magalaw pa to. Tas tinry ko imulat yung mata ko pero di pa mamulat. Kinabahan ako kasi mamaya baka ano, patay nako kaso naisip ko pano pa ako nakakapagmonologue kung patay nako tas naisip ko ulit baka kaluluwa ko magmomonologue. Charot. XD

Oh diba? Nakakapag-XD at Charot na ulit ako? Okay nako! Pero, mas okay nako kung maimumulat ko na tong mata ko at maigagalaw ko ang daliri ko. :3

Habang bato pa ako sa pagkakahiga ko ay ginamit ko muna ang aking sense of hearing and sense of thinking. Talino yata nito!

Naadik na naman yata ako. Kakagising ko lang pero kung ano anong kaadikan ang naiisip ko. Parang yung, dating ako? Nung bago mangyari yung ano? Yon.

Pero in fairness, namiss ko yung old self ko. Siguro nung ano, nabagsak ako nahampas ulo ko kaya nabalik na ulit sa gaga mode ito.

Ay shoot! Nakalimutan ko T^T Kaya nga pala ako nandito kasi naano.. nachenes ako!

Hindi ko na masyadong matandaan eh.. basta parang nahagip yata ako ng kung ano tas nabagsak ako. Yun lang naaalala ko. Huhubels may amnesia na yata ako napalakas yata pagkakaumpog ko omg I'm gonna die na nga! Huhuhu T___T

" Hi. Nagdala ako ng umagahan. " narinig ko yung boses ni Ate Galeen kasabay ng pagsara ng pinto. Kung huhula ako, nasa ospital ako siguro. Nakarinig kasi ako kanina nung mga something na maririnig mo sa ospital nung nagbukas yung pinto.

" Ma, kain ka na nito o. Kakain narin ako. Aalis din ako maya maya, babalik pa akong LB. "

  

" Ah edi ikaw muna Galeen ang babantay kay Nicole ha? May pupuntahan ka ba o ano? "

" Ah wala naman ho e. Ako nalang magbabantay. "

Matapos ng usapan ay nagkaron ng slight silence. Kumakain yata sila eh. Huuuuu~ Parang nagugutom din ako na hindi. Yung parang alam kong gutom ako pero feeling ko pag nilunok ko na yung pagkain isusuka ko ulit? Ganun.

Matapos silang kumain ay narinig kong nagpaalam si.. ehem mama at kuya kay Ate Galeen. Nung nakaalis na yung dalawa ay may narinig akong boses. Akala ko may bumisita na sakin.. kaso nung pinakinggan kong maigi, reruns ng Boys Over Flowers pala yung pinapanood ni Ate Galeen. Narinig ko kasi yung boses ni Jun Pyo saka ni Jan Di. XD

Medyo matagal narin ang nalipas. Natapos na yung 5 episodes pero hindi parin ako nakakamulat ng mata at nakakagalaw ng kamay. Tinry ko narin ibuka bibig ko pero wala e. Baka tulog pa yung nerves and muscles and everything ng katawan ko. Baka ano, hungover? Lasing?

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon