Chapter 47

178 5 0
                                    

{ Nicole Alexi Demontarema’s POV }

 

Nakatingin lang sya sakin, ni hindi nya man lang inalay yung kamay nya para itayo ako. Masyado naman yata syang naging cold na sakin. Parang wala kaming pinagsamahan. Baka naman nagdalawang isip pa sya kung tutulungan nya ako o hindi, pero naisip nya na wag nalang, kasi mataas ang pride nya o ang ego nya o ano.

“ Pumapasok ka pa pala dito. “ sabi ko sa kanya. Napahalukipkip naman sya sa pantalon nya. Nakasabit lang yung backpack nya sa may braso nya.

“ Kakabalik ko lang. “ sagot nya naman. Wala man lang bakas ng kahit anong emosyon sa mukha nya. Sabagay, expert na naman sya dun, sa taguan ng totoong feelings.

Gustong gusto ko nang umalis dahil baka kung ano ang masabi ko sa kanya. Ramdam ko rin naman na naiilang sya at iwas ang tingin nya sakin.

“ May klase pa— “ papalakad na ako palayo ng biglang narinig ko na naman yung tawag nyang yon sakin.

“ Nicole. “

Ayon. Ayan na naman yung boses nyang namiss ko. Yung seryoso ang tono pero ang welcoming ng dating. Nagdalawang isip pa ako kung lilingunin ko sya o hindi kasi nakatalikod ako. Nagpasya akong wag nalang lumingon at hintayin ang sasabihin nya ng biglang may narinig akong tumawag sakin sa di kalayuan.

“ Nicole nandito ka lang pala! “ masiglang masigla pa ang pagkakabati ni Franco habang kumakaway sa direksyon ko. Unti unting nawala yung ngiti sa mukha nya ng makita kung sino yung nasa likod ko.

“ Alam mo, matagal ko nang hinihintay yung araw na makikita kita dito. Balita ko, naging kayo raw ni Nicole ah, Kenneth. “ ani ni Franco habang papalapit kay Kenneth. Nakita kong smug parin ang mukha nya habang si Franco ay nakangiti ng konti.

“ Hindi ko alam na pagkatapos mong iwan ng ganun ganun nalang si Nicole e kasama mo na ulit sya. “ sabi ni Kenneth. Ramdam na ramdam ko ang nmumuong tension pagitan nilang dalawa.

“ Well, now you know. Kukunin ko na si Nicole ah, may klase pa kami eh. “ sabi ni Franco sabay akbay sa akin. Hindi naman ako makakibo. Naghahanap ako ng kung anong reaksyon galing kay Kenneth.

“ Alam na ba ni Nicole na baliw ka? “ biglang sabi ni Kenneth. Mukhang walang bakas ng gulat sa mukha ni Franco o ano, napangisi pa sya.

“ Oo naman. Hindi kasi kami naglilihiman ni Nicole. Sinisiguro kong alam nya yung mga dapat nyang malaman at naiintindihan nya lahat ng dapat intindihin sa akin at sa mga nangyayari sa paligid nya. I think I’ve done that job well, Zamora. Good day. “ sabi nya sabay hila sakin paalis doon.

Tahimik lang ako habang naglalakad at sya naman ay nakaakbay sa akin. Nung medyo malayo layo na kami ay inalis nya yung braso nya sa pagkakaakbay.

“ Sorry inakbayan kita without your permission. Baka bawal. “ sabi nya pa sakin.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon