{ Kenneth Elysses Zamora’s POV }
Naglalakad ako papalabas ng school. Kakatapos lang naming magayos ng quadrangle para sa graduation namin bukas. Madilim na nung nakaalis ako ng school. Tiningnan ko ang relo ko. 4:17. Para ang dilim dilim naman yata e alas kwatro palang?
Naglakad ako papuntang sakayan tas sumakay ng jeep. Maluwag yung jeep na nasakyan ko, ako lang, dalawa pang pasahero tas yung driver lang yung nandun. Lakas pa magpatugtog ni manong driver ng mga kantang emo. Yung mga tagalog na rap na puro tungkol sa brokenhearted o kaya sa breakup? Emo yata si manong.
Tumawa kayo sa joke ko.
Nung bumaba na ako sa jeep ay naramdaman ko yung lakas ng ihip ng hangin. Naglakad ako mula sa babaan hanggang sa 7-eleven. Bumili ako ng softdrinks at ininom ito habang naglalakad pauwi. Natripan ko lang kasi na maglakad.
Habang naglalakad ako ay inoobserbahan ko yung mga nadadaanan ko. Yung mga sasakyan na dumadaan, yung mga taong naglalakad, yung mga batang umiiyak, lahat sila nakita ng mga mata ko.
Yung mga kilos nila, nakikita ko ng mabagal. Yung mga mata ko, para silang mga camera na lahat ng makita ay nakukuhanan ng shots.
Napatingin ako sa langit. Malakas parin ang hangin, madilim ang langit pati narin ang mga ulap. Di kaya, malungkot lang sila?
Nalulungkot ba ulap?
Para sakin, ang mga ulap ay parang mga tao. Nakikisabay sila sa agos ng hangin tulad ng mga tao na nakikisabay sa agos ng buhay. Ang mga ulap, tulad ng tao, hinahayaan nila ang sarili nila na dalhin ng agos sa kung saan man sila dadalhin nito.
Ang mga ulap, para sa akin, ay mga emosyon din tulad ng mga tao. Makikita mo kung kelan sila masaya, kelan sila malungkot, kelan sila nasasaktan, at marami pa.
Ang mga ulap, sila ang representative ng mga tao sa itaas. Ang mga ulap ang tao sa isang mundo sa taas. Isang mundo, kung saan ang mga ulap nga, tulad ng sabi ko, ay tao. Ang mga planeta ay mga bahay ng mga ulap. Ang mga bituin ay ang mga bagay na nakaiimpluwensya sa mga naninirahan sa mundong yon, pride, love, happiness, sadness, anger, envy, sila yon. Mga bituin ang mga yon.
Nagulat ako ng may pumatak na tubig sa may braso ko. Nagsunud sunod ang mga yon, at saka ko lang naisip na umuulan pala. Kinuha ko ang payong ko sag lid ng bag ko at agad na binuksan ito. Saka ako nagpatuloy maglakad.
Nung bata ako, mahilig akong kumanta pag umuulan. Kasi, sabi sakin nung bata ako, kaya daw umuulan, kasi nalulungkot yung mga ulap.
“ Mama, ang lakas ng ulan, pwede bang tabihan mo ako pagtulog? “ ani ko kay mama na kakadaan lang sa kwarto ko. Siguro mga 6 ako non. Binitawan nya yung mga hawak nyang damit at sumampa sa kama ko at naupo sa tabi ko. Nahiga ako sa may tabi nya.
Napagitla ako ng makarinig ako ng malakas na kulog.
“ Mama ayoko sa ulan natatakot ako. “ ani ko sa mama ko. Niyakap nya ako at sinusuklay ang buhok ko gamit ang kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
Kenneth Be Reached
Teen FictionFINISHED. I cannot reach you for we are two different things. You are the sky and I am the earth. We meet but never touch.