Chapter 38

508 21 3
                                    

{ Nicole Alexi Demontarema's POV }

Gulong gulo na talaga ako sa lalaking yun! Ugh.

Biruin mo yun, sasabihin sakin na mahal nya ako, tas sasabihin nagpakatanga daw sya sakin?!

Yung totoo, ano ba talagang gusto mong iparating sakin? Napaupo ako sa kama ko tas humiga narin eventually.

Naaalala ko lahat na ngayon, yung halik lalo saka yung hinila nya ako.

May pasa pa nga ako sa may wrist ko e. Nirotate ko yung braso kong hila hila ni Kenneth nung gabing naghalikan kami ni Sir Dom.

Omfg. Si Sir Dom. Ano na kayang mukha ang ihaharap ko sa kanya? Omg.

Tanga mo kasi Nicole! Tanga! Dapat tumigil na akong uminom nung sinabi ni Kenneth, sana sumunod ako sa kanya. Ugh.

Ang tanga mo talaga Nicole! Ayan, galit pa sayo si Kenneth ngayon!

Ugh. Tanga tanga. Magsorry kaya ako sa kanya? Pero, diba dapat sya magsorry sakin? Pero anong kasalanan nya ba? Pero teka-- ano bang kasalanan ko?

Lalo akong nagpupumiglas sa kama ko.

Naalala ko na naman yung sinabi nyang mahal nya ako.

Mahal nya parin kaya ako matapos ko syang sagutin nun?

Kasi ano, totoo naman yun. Gusto ko mahalin nya ako sa kung sino ako hindi yung dahil mukhaakong nakakaawa o ano.

Ang dami ko ngang gustong sabihin sa kanya kaso hindi ko naman naconvey ng tama. Ako na nga tanga. Huhuhu.

Nakahiga ako sa kama ng biglang pumasok sa kwarto si Amy.

" Oh, bat mukha kang binagsakan ng purgatoryo dyan? " tanong sakin ni Amy tas naupo sya sa kama.

" Kasi galit sakin si Kenneth. " sabi ko sa kanya.

" Talaga? As in Lord Voldemort kay Harry Potter na galit o Elsa na self galit ang peg ganon? "

" Ano, Lord Voldemort? Tas ano, sinabi pa nya na ano, mahal nya daw ako-- " sabi ko sabay takip ng unan sa mukha ko.

" Pero bigla nyang sinabi na nagpakatanga daw sya sakin ganun. " sabi ko pagkatanggal sa unan sa mukha ko.

Napakunot ang noo ni Amy.

" Hmm ano ba talaga ang nangyari? "

" Kasi ano nung party, nahuli nya akong may kahalikan habang lasing ako tas ayun nagalit sya. "

" Wait what Nicole kasi ano payo lang ha, kung ako rin naman kasi nasa pwesto ni Kenneth magagalit din ako pag nakita kong yung gusto ko may kahalikang iba ha. Sa side na to mali ka. Sorry ha pero mali ka talaga dun. Saka ginusto mo ba yung paghalik sayo? " tanong nya sakin.

" Actually sa pagkakatanda ko kaya ko nga hinalikan yung lalaki kasi ang nasa isip ko si Kenneth err-- " sabi ko sabay takip ulit ng unan sa mukha.

" Wait omg what? So habang hinahalikan mo yung dude, si Kenneth yung iniisip mo? Omg. "

" Parang, ganun na nga. " sagot ko sa kanya.

Hiyang hiya na tuloy ako sa sarili ko grabe first week palang ng college may iskandalo na ako huhu.

" Ah so ganun naman pala ang side ng kwento mo. Pero nasa mali ka talaga. Wag mo naman sanang masamain tong sinasabi ko ha. At least sakin nanggaling di sa iba. Alam mo naman na I care for you and everything. " sabi ni Amy samin.

" Thank you ha. Kasi pilit mo akong inintindi. Nakakahiya tuloy sayo. " sabi ko sa kanya sabay ngiti ng konti. Feel ko tuloy narelieve ako.

" Sus parang others naman to. Syempre housemates tayo, we're homies! We tell each other stuff and that's okay. " sabi nya sakin sabay yakap kaya niyakap ko narin sya.

Nagring yung phone nya at sinabing sasagutin nya daw ito kaya lumabas sya ng kwarto, at naiwan ulit ako.

Nag isip isip ako ng kaunti kung anong gagawin ko.

Kinuha ko ang phone ko sa may bedside table at naidial ang isang number ng alam kong makakatulong sakin.

" Hello? Milo? "

(" Ate Nicole! Kamusta ka naman dyan? ") tanong nya sakin.

" Ayun medyo di okay. Galit yata sakin ang kuya mo e. Gusto ko magsorry, ano bang gusto nun? " sabi ko sa kabilang linya. Yeah, magsosorry ako.

(" Ay bongga lover's quarrel? ")

" Hindi naman. Ano na? "

(" Ano, mahilig yun sa toothpaste? Haha pero de ano, kahit ano naman tatanggapin nun basta sincere ka. ") sabi ni Milo sakin.

" Ah ganun ba? Sige sige salamat. "

(" Pakisabi naman kay kuya text text din sakin pag may time pag nagbati na kayo ah! Good luck! Naway magbati na ang magjowa hihi ") sabi nya sabay end call.

*~*~*~*~*

{ w e d n e s d a y }

Maaga akong umuwi ngayon sa bahay para i set up ang lahat. Nagluto pa ako tas nirehearse ko pa ang sasabihin ko kay Kenneth pag dating nya.

Naupo muna ako sa may kitchen habang hinihintay umuwi si Kenneth at Amy. Nagbabakasakali lang ako na sabay silang umuwi kasi magkacourse sila.

Medyo kaninang 1:30 pa ako nandito. Wala kasi yung prof namin. Tas buti nalang absent din si Sir Dom. Nakakahiya siguro kung nagkakita kami. Pero si Michelle kanina pa badtrip, hindi nga kami kinakausap nina Joyce e. Hay nako.

So ayun nakaupo ako at naghihintay dun sa dalawa ng biglang bumukas ang pinto at narinig ko si Amy na nagsasalita.

"... sabi ko naman kasi sayo pakopyahin mo ako e hahahaha! " naririnig kong sabi ni Amy habang tumatawa.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at inayos lahat ng nasa mesa. Yung mga pinaghirapan kong iluto. May Carbonara, tas cake na may nakalagay na I'm sorry ganun. Lol I know ang fail at ang lame ng naisip ko sorry TT TT

Napatigil silang dalawa nung dumaan sila sa may kitchen. Bigla namang nagpaalam si Amy na aakyat daw sya.

" Uh ano, Kenneth-- " sabi ko sa kanya. Siya naman e nakatayo lang dun sa may baba ng hagdan.

" Ano-- gusto ko sanang magsorry. Alam ko na ako yung mali talaga tas marami akong nasabi sayo na di maganda at nakakasakit ng damdamin mo kaya sorry na oh. Eto oh, nagluto pa ako para sayo. Sorry na. " sabi ko tas tumungo ako. Sana naman tanggapin nya na yung apology ko, ayoko pa naman na tumatagal yung problema.

Nakatingin lang sya sakin at parang nagiisip. Hinihintay ko ang sagot nya ng bigla syang umakyat ng hagdanan at narinig ko yung mahina nyang sabi.

" Hindi ako gutom. " sabi nya sakin habang papataas ng hagdan.

{ Kyle Franco Guevarra's POV }

Nagising ako dahil sa pagkirot ng ulo ko. Naimulat ko ang mata ko at lalong lumakas yung bugso ng sakit.

Napahawak ako sa ulo ko. Pinilit kong tumayo at maglakad papunta sa baba. Ayokong istorbohin si Alys dahil malamang tulog pa yun.

Sapo sapo ko ang ulo ko habang lumalabas ng kwarto. Lalong sumakit yung ulo ko at hindi ko mapigilang wag huminga ng malakas. Hindi narin diretso ang tingin ko sa hagdanan na bababaan ko.

Kumapit ako sa riles ng hagdan at unti unting bumaba. Napapatigil ako sa pagbaba dahil napapasapo ako sa ulo ko sa sakit.

Hindi pa ako nakakalayo sa unang hakbang ng bigla akong mawalan ng paningin.

" Alys! " hindi ko na napigilang sumigaw. Kinakapa ko yung riles ng hagdan na biglang parang nawala ng biglang mawala ang hagdan at sa isang saglit naramdaman ko nalang na bumabagsak na ako.

*~*~*~*~*

{ lol ang fail ng update sorry po huhu }

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon