{ Nicole Alexi Demontarema’s POV }
Nagdrive kami pauwi. Ganun ulit, si Ate Galeen sa passenger seat tas ako sa likod. Yung toga ko nakafold nalang tas nandun sa tabi. Tas kinuha ko sa bulsa ng dress ko yung cellphone ko. Pagdukot ko dun ay nakapa ko yung dalawang box na maliit na nilagay ko doon kanina.
Yung isa galing kay Kenneth, yung isa hindi ko pa alam pero, pakiramdam ko galing iyon kay Franco.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa bahay. Finallyyy!~ Ang sakit sakit na ng paa ko gawa ng heels na itetch. =O=
Pagkatanggal ko sa heels ko ay nilagay ko ito sa shoerack ng maayos at nagsuot ng komportableng tsinelas. Nagtungo ako sa kitchen kasi nagluto si mama pala kanina ng makakain bago kami umalis. Di naman uso samin yung malaking handaan ek ek. Simpleng kainan lang, k na.
May spaghetti sa lamesa, tas may softdrinks, may cake, may carbonara, tas may ice cream daw pero ginagawa palang ni mama sa ice cream maker. Dahil maya maya pa yon ay kumain nalang muna ako ng lahat. XD
Nagutom kasi ako sa graduation. Ayan naalala ko na naman tuloy speech ni Kenneth. Para syang nairecord sa cellphone ko tas patuloy na nagpaplay lang. Paulit ulit sa isip ko. Pati narin yung sinabi nyang importante kasi ako sa kanya. Ano namang ibig sabihin non aber? O_O?
Kumakain kami ni Ate Galeen sa may lamesa nang may maalala ako ulit.
“ Mama nga pala, anong oras ang dating ni papa? “ tanong ko sa kanya.
Napatigil sya sa ginagawa nya, tas pagkatapos ng ilang segundo ay umiling sya tas bumalik nalang sa ginagawa nya. Hindi nya parin ako sinasagot. Ako naman ay nagpatuloy nalang sa pagkain.
Hindi ko naman sya mapapasagot sa mga tanong ko kung ayaw nya talagang sagutin to. Parang, yung pag pinipilit mong buksan yung pintuan na nakapadlock. Wala. Nakipaglaban ka sa wala.
Pagkakain ko ay umakyat ako sa kwarto ko. Hindi nakapunta si kuya ko sa graduation ko kasi daw may ginagawa sila ngayong umaga. Mga mamayang gabi pa raw sya makakauwi. Okay lang naman ako don.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay kinuha ko yung dalawang box sa bulsa ko at nilapag sa desk ko kasama ang cellphone ko. Maliligo muna ako dahil feeling ko amoy pawis na talaga ako saka ko titingnan yang dalawang box na yan. :3
Pagkaligo ko ay nagsuot ako ng simpleng shorts na mga isang dangkal above the knee saka simpleng statement tshirt. Kinuha ko yung dalawang kahon saka ako naupo ng Indian seat sa kama ko.
Binuksan ko yung pink na box, kasi di ko alam kung kanino yon at mas nacucurious ako kung kanino galing yon. Gusto kong iconfirm kung kay Franco nga galing yon.
Tinanggal ko yung hot pink na ribbon na nakatali dito. Light pink yung kulay ng box, parang pear pink pa nga e. Basta. Tas ayon, binuksan ko tas nanlaki ang mata ko ng makakita ako ng isang heart na bronze na may mga maliliit na designs. Kinuha ko ito mula sa box at tiningnang maigi at nakitang musical notes yung maliliit na designs. Tas may dalawang pakpak yung heart sa tig isang side, tas nung tinaas ko pa itong maigi ay nakita ko ang mahabang chain na nakakabit to. Necklace sya. ~(*O*)~
BINABASA MO ANG
Kenneth Be Reached
Teen FictionFINISHED. I cannot reach you for we are two different things. You are the sky and I am the earth. We meet but never touch.