Chapter 42

820 13 3
                                    

{ Nicole Alexi Demontarema’s POV }

 

 

 

Nagising ako na nakayakap sa akin si Kenneth—joke! Nagising ako sa kama ko na may nakakumot na and everything. Eh ang huli kong natatandaan e yung mga kachorvahan ni Kenneth na sadyang nakakapagpakilig kagabi tas natulog na ako. Baka sya yung nag-ayos sakin.

Bumangon ako at nagsipilyo, nag-ayos ng sarili. Bumaba ako at nakitang nagtotoast ng tinapay si Kenneth tas nagpiprito ng itlog. Sa pagkaalam ko, wala kaming pasok ngayon.

Naupo ako sa may upuan sa dining at kumuha ng isa sa mga tinapay.

“ Wag mong ubusin yan lahat ah, kakain pa kami ni Amy! “ saway ni Kenneth sa akin. Kinagat ko yung toast na kinuha ko at kumaway lang sa kanya. Maya maya ay bumaba si Amy galing sa taas at hawak hawak yung phone, nagtetext yata.

“ Baby, kakagising ko lang. Kagabi pa kita iniisip kaya late ako natulog. Kasama ko yung dalawang malandi sa bahay ngayon. Ang landi talaga nila. “ sabi ni Kenneth at dahil dun ay binatukan sya ni Amy.

“ Hindi yun ang text ko at hindi ako ganun magtext! “ sabi ni Amy.

“ Eh anong tinext mo? “ interesante ko namang tanong sa kanya.

“ Wala ganun, good morning, love you. “ medyo nahihiya nya pang sabi.

“ Ako? Bat wala yata akong natatanggap pang good morning, at love you?” pagtatampo pa ni Kenneth.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nai-backhug sya habang nakaharap sya sa kalan.

“ Good morning, I love you! “ sabi ko sa kanya.

“ Ano ba yun walang emotion! “ apela nya pa.

“ Good morning, I love you! Hart hart hart kissy face emoji! “ natawa si Amy sa sinabi ko.

“ Bat kissy face emoji pa e pwede mo naman akong i-kiss. “

Para matigil na sya, kiniss ko sya ng smack sa pisngi.

“ Ano, okay ka na? Masaya na ba? Hahahaha “ tanong ni Amy kay Kenneth.

“ Ayos! “ ang tanging sagot ni Kenneth.

Nagumagahan na kami tas naglinis ng bahay at naggawa ng chores na dapat gawin. Si Amy ay nagpaalam samin at sinabing may pupuntahan daw sila ni Toby kaya wala sya buong maghapon. So, buong maghapon kami dito?  

Nung umalis na si Amy ay kami nalang ni Kenneth ang naiwan sa bahay at ako naman ay kasalukuyang nanonood ng tv ng bigla akong kalabitin ni Kenneth.

“ Maligo ka na, may pupuntahan tayo. “ sabi nya sakin.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon