Chapter 46

282 5 1
                                    

{ Nicole Alexi Demontarema’s POV }

“ Good morning! “ bati nila sakin, este sa kalapit ko. Kasama ko kasi si Franco na pumasok ngayon sa mga klase ko dahil nagenroll sya dito sa university, sa course ko pa. May kakilala daw kasi sya na mataas ang rango dito kaya napakiusapan nya kahit na late enrollee sya.

“ Hi! Diba ikaw si Franco? Ako nga pala si Joyce. “ sabi ni Joyce habang nakikipaghandshake kay Franco. Ako naman ay nagdirediretso nalang sa upuan ko. Ang bilis naman yatang kumalat na may late enrollee at ang kataka-takang part dun e alam na agad nila ang pangalan. Hindi nga ako kumikibo eh kasi ayokong manggaling sakin.

“ Ayun nga pala yung upuan mo dun sa may gitnang dulo oh, tas may class schedule ka na naman yata no? Enjoy your stay here! “ masiglang sabi ni Joyce. Jusko, namimilis sya ah. Hahahahahaha. Si Franco naman ay umupo na sa upuan nya.

“ Hindi mo naman sinabi nab ff mo pala yung bagong kaklase natin! “ sabi ni Joyce sakin nung nakaupo na sya sa upuan nya.

“ Hindi ko naman kasi sya bff—“

“ Hay nako kainis ka! Edi sana nabigay mo na sakin number nya! Magkasabay pa kayo pumasok oh! “

“ Grabe ka Joyce. “

Napalingon ako sa kung saan nakaupo si Franco at nakangiti naman sya sakin habang nagmini wave. Edi nag mini wave din ako sa kanya. Dumating na yung prof tas nagsimula na yung klase kaya nagfocus na ako. Naisip ko kasi na imbis na magpakalugmok lugmok ganun e mag-aaral nalang ako ng mabuti para kapag bumalik si Kenneth eh isusupalpal ko sa mukha nya yung class cards ko na puro uno.

Nung matapos na yung mga klase namin ay nagyaya na maglunch sina Joyce. Ininsist naman nila na isama ko daw si Franco kasi ako daw ang kaclose. Eh mukhang walang balak naman si Franco nung lunch kaya sinama nalang namin sya. Ang galing nya nga eh, nag fit in kaagad sya sa klase naming. Pakiramdam ko inabot pa ako ng ilang buwan bago naging kaclose lahat, sya isang araw lang.

Kumakain kami sa foodcourt at nakikipagkwentuhan sila kay Franco. Ako naman ay tahimik na kumakain lang nang biglang may nagsnap ng daliri nila sa harap ng mukha ko.

“ Nicole? Hello? Nandyan ka pa ba? “ sabi ng isa naming kaklase sakin. Tumango naman ako.

“ Lutang ka beh? Lutang na lutang. Anyare sa beauty mo ha? “ ani naman ni Josie, yung bakla naming kaklase na sa kakasama samin eh naging barkada narin namin. Jose talaga pangalan nya.

“ Ah wala wala— “

“ Okay lang ba kayo ni poging boyfriend mo? Yung laging sumusundo sayo kapag hapon? Hindi ko na sya nakikita these past few days ah. “ sabi nung isa. Yung mga kasama namin sa table ay nagsitinginan narin sa direksyon ko pati si Franco na nakatukod pa ang braso sa table. Para bang hinihintay nila akong magkwento.

Kaya nagkwento ako. Naikwento ko yung nangyari pero hindi naman lahat. Sakto lang. Hindi pa nga ako makatingin sa mga mukha nila kasi nahihiya ako. Nung tapos na akong magkwento e tatango tango lang naman sila.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon