{ Nicole Alexi Demontarema's POV }
Maaga akong pumasok ngayon sa school kasi sporstfest. YAYYYY! XD
Pumasok ako sa school ng naka pulang sando tas shorts at sneakers. Hahaha. Sportsfest naman eh, halos lahat sila ganto rin suot. Yung mga lalaki nakajersey. Basketball kasi sa kanila, sa babae at bekimonsters ang volleyball. ^___^v
Lumapit ako sa may bulletin board at tiningnan ang schedule. Volleyball sa umaga at basketball sa hapon. Tas may after party sa may gabi. Yayyy.
Tinawag na kami para magtipon tipon sa may quadrangle. Dun kasi gaganapin ang laban sa volleyball. Blue versus Red. Tas yung matatalo sa kanila kalaban ng Yellow. Tas kung sino yung mananalo at mananalo, yun yung champion sa volleyball.
Nakaupo ako sa may ilalim ng shade ng puno dun. May malaking bato kasi sa ilalim nung puno, nakita ko edi naupo ako. Hahahaha. Wala naman akong interes maglaro. Hindi ako athletic chu chu pero marunong ako.
Nakita ko si Amethyst na papalapit sakin. Ano naman kayang kailangan nito?
“ Oh Nicole, Sali ka sa second game? “ alok ni Amethyst sakin.
“ Hindi ako magaling. “ sagot ko sa kanya.
“ Okay lang yan. Sige na. Malapit na naman tayong maghiwahiwalay eh. “ sabi nya.
Nakakahiya naman kung tatanggihan ko si Amy eh sobrang sobrang bait nya sakin kaya sumama nalang ako. Nagsuot ako ng armband para di ako magkapasa sa braso tas kinawayan ako ni Amy. Magstastart na pala ang second game.
Kalaban naming yung Yellow Team ngayon. Nakakahanga yung libero nila kasi mamaw, nangbabayo talaga. *O* Igno naman ako. Hanggang serve lang kasi ako. XD
Nakita ko sa gilid ng mata ko na nanonood rin samin yung mga lalaki. Nakakahiya. Mamaya makita pa nila pagka epic fail ko pagdating sa sports. Nakakahiya talaga.
Tas nakita ko si Franco. Nanonood sya sa may left side ko tas nakatapat sa may pwesto ng net kung san may malaking payong para sa referee at sa nakapaligid sa kanya. Nakangiti sya sakin at nakathumbs up. Ngumiti rin ako at nagthumbs up.
Sinerve ng kabilang team yung bola at nagulat nalang ako nung sinisigawan nila akong ako daw yung tumira. HALA. Eh di ayon, kinalma ko nalang sarili ko tas tiningnan yung bola, inextend ko yung braso ko at sinalo yung bola sabay balik sa kalaban. Bumagsak yung bola sa malapit sa net at hindi agad ito nahabol nung nasa Yellow Team kaya nagkapuntos kami.
Hindi ako makapaniwalang nagkapuntos kami gawa ko. *O*)////
Gumagaling na yata ako sa sports kahit hindi ako laging naglalaro. CHOZ.
“ GO NICOLE! “ naririnig ko ang sigaw ni Franco dun sa may tabi ng referee habang nakangiti. GAAAAAAWSH. Aym so lucky with my boyfie. Proud boyfie sya. *O*
Happy girlfie ako. <3 <3 Hihihihihihi.
BINABASA MO ANG
Kenneth Be Reached
Teen FictionFINISHED. I cannot reach you for we are two different things. You are the sky and I am the earth. We meet but never touch.