Chapter 51

311 8 0
                                    

{ Nicole Alexi Demontarema’s POV }

 

 

 

Tinatawanan ko si Amy habang papasok kami sa amusement park. Niyaya kasi kami ni Anna Marie at hindi tinigilan si Amy hangga’t hindi ito pumapayag. Kaming tatlo nila Franco ay sabay sabay pumunta, hindi daw kasi makakasama si Toby at may family affair something na kailangang puntahan. Mga one week after ng birthday ni Milo ay pumunta ito sa amin at iniinvite kami na mag amusement park dahil nga gusto nya daw kaming mas makaclose pa.

Nakakainis, ang cliché naman, amusement park pa oh.

“ Ano, hindi ka pala uubra dun sa babaeng yun eh. “ pangungutya ko pa sa  kanya.

“ Che! Ayoko naman kasi ng kinukulit ako! “ ani nya.

Naupo kami sa bench habang hinihintay si Anna Marie at Kenneth. Nakapatong ang ulo ko sa may balikat ni Franco at pinaglalaruan nya yung kamay ko. Kumakanta sya ng mahina, hindi ko maisip yung title nung kanta pero alam ko yung lyrics eh, tas nakikisabay din ako. Napangiti sya.

“ Ganda naman ng boses mo. “

“ Niloloko mo lang ako eh.”

“ Hindi ah. “

“ Tanggap ko na naman na hindi ako magaling kumanta. “

“ Eh san ka magaling? “

“ Yung mahalin ka. “ mahina kong bulong.

“ Pakshet naman ang corny naman nun Nicole kinilabutan ako! “ sabi ni Amy na nasa kanan ko habang pilit kinakamot yung dalawang braso nya kunwari kinikilabutan. Tinawanan lang namin sya ni Franco.

  “ Hey guys! Sorry we’re late! “ narinig ko kaagad yung boses nung mahinhin na Anna Marie na yon. Si Amy naman ay napahinga ng malalim sa tabi ko.

“ Dear God she’s here. “

“ Ang laki talaga ng problema mo sa kanya no? “

“ Siguro nemesis ko sya nung past life ko. “

“ Hi guys!” masiglang bati nya. Naka simpleng skirt ito sa flowing tas  shirt at sneakers. Outfit of the day talaga. Nahiya naman yung shorts ko sa kanya.

“ Hello. “ sagot naman namin sa kanya. Nagpapakafriendly sya samin eh, nakakahiya naman kung hindi susuklian diba?

“ So let’s go? “ ani naman ni Kenneth at nagsimula na kaming magsisakay sa mga rides.

Naka-ride-all-you-can kami kaya halos lahat ay sinakyan namin. Ayoko talagang sumakay ng rollercoaster nung una, hinihila hila ko pa yung tshirt ni Franco pero tinatawanan nya lang ako. Tas nung nakailang pilit ako sumuko din sya sabi nya sige kung ayaw ko daw sumakay di nya ako pipilitin, intayin nalang daw namin sila Amy na matapos. Kaso biglang nagbago yung isip ko at sumakay narin pero todo ang kapit ko dun sa hawakan.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon