{ Nicole Alexi Demontarema's POV }
Mag isa ako sa bahay ngayon. Wala kasi kaming pasok, day before the graduation kasi. Yung mga kasali lang sa student council ang may pasok kasi sila nagaasikaso. Eh hindi naman ako member non kaya nandito ako sa bahay, nakahiga sa kama ko at nakikinig sa kanta.
Naeexcite narin ako kasi alam ko, nangako sakin si papa na uuwi sya sa graduation ko. Nagpromise sya na sya magsasabit ng medal sakin. Siguro kahapon pa yun nasa flight pauwi tas nagtatago lang sa hotel para isusurprise ako *U*
Bumangon ako kasi nakaramdam ako ng gutom. Bumaba ako sa kitchen at tumungo sa may ref. Binuksan ko ito at nakakita ng pinya. Ito yung una kong nakita kaya yun nalang yung nilabas ko sa ref ta sinimulan ko nang kainin yung pinya.
Naalala ko yung kahapon sa Jollibee, nung nakita namin si Franco na kasama si Sandra. Hinila ni Amy yung kamay ko agad agad eh, ang dami ko pa naman sanang gustong sabihin. Baka nga nakapagiskandalo pa ako dun ng wala sa oras eh.
Hindi naman ako dapat magselos diba? Siguro ano, may pinagusapan lang sila! Kaya hindi ko alam kasi, ano, nakalimutan nyang sabihin o kaya biglaan lang! Diba? Oo. Pupwede yon. Yun siguro ang dahilan.
Ayos lang naman kasi ang relationship namin ni Franco. Nagkakaintindihan kami pag ang isa ay hindi masasamahan ang isa, yung ganon. Parati syang malambing sakin tas lagi kaming nagtatawanan ganun. Ang lapit lapit namin sa isa't isa.
Kahit hindi pa kami nakakaisang taon o ano, alam naming mahal namin ang isa't isa.
Pero simula nung sportsfest, naging malamig sya sakin. Naging malayo. Loyal naman ako sa kanya. Lahat naman ginagawa ko para samin.
Hindi kaya, may iba na sya?
Hindi. Loyal si Franco sakin, alam ko yon. Pero.. di ko maramdaman eh. Masyado syang malayo ulit sakin.
Nagulat ako ng bigla akong may narinig na nagdoorbell. Agad agad akong naghugas ng kamay tas nagtungo sa may pintuan para buksan yung gate sa labas.
Paglabas ko ng pintuan eh nakita ko si Franco na naka pantalon at tshirt. Nakatayo sya sa may gate namin. Nginitian nya ako ng maliit na ngiti.
" Gusto mong lumabas ng bahay? " tanong nya sakin.
Ngumiti ako sa kanya, isang maliit na ngiti rin.
" Nasa labas na ako diba? " sagot ko sa kanya.
Tumawa sya ng mahina tas yumuko tas tumingala ulit.
" Gala tayo dali, sama ka. " sabi nya sakin.
Ngumiti naman ako tas pumasok sa bahay para magpalit ng damit. Pagkapalit ko ng damit ay lumabas ako at sumama kay Franco.
Habang naglalakad kami ay nagkwekwento sya ng mga kung ano anong nangyari na para bang hindi ko sya nakita kahapon ka kasama si Sandra. Kinalimutan nya siguro. Eh di siguro, dapat ko naring kalimutan?
BINABASA MO ANG
Kenneth Be Reached
Teen FictionFINISHED. I cannot reach you for we are two different things. You are the sky and I am the earth. We meet but never touch.
