Chapter 16

909 24 0
                                    

{ Nicole Alexi Demontarema’s POV }

Nagising ako ng mga 6:45. Wala na yung mugto sa mata ko. Nawala yata overnight. Aba, kailangan talagang mawala non. Graduation day na ngayon e. *O*

Sa wakas, pagkatapos ng araw na to, magiging college student na ako. Nangako ako kagabi na magpapakasaya ako ngayon, kahit ngayong araw lang na to muna, kasi graduation ko naman. Regalo ko nalang sa sarili ko. XD

Saka, mamaya makikita ko na si papa! Yayyyyy! Naalala nyo naman yung sinabi nya saking promise diba? Na aattend sya sa graduation ko? Huli ko syang nakita bata pa talaga ako. Miss na miss ko na si papa. Tas mamaya, makikita ko na ulit syaaa. ♥♥♥

  

Kaso hindi nya ako masasabitan ng medal kasi hindi naman ako honor. Sayang nga eh. Pero, okay na yon. Basta nandun sya sa graduation ko, okay na ako.

9 ang start ng graduation namin, meaning 9 kami magsisimulang maglakad. XD Kumain muna ako ng madami bago naligo kasi alam nyo na, pag graduation matagal tas nakakagutom. Kailangan may energy pa ako hanggang mamaya para kay papa. *Q*

Nagbibihis ako non ng dress ko ng bigla kong mapansin na nawawala yung bracelet ko. Umaygash! Yung bracelet ko na bigay sakin ni papa nawawalaaaa. Hala san na napunta yon? O_O

Naghanap ako sa kwarto ko, dinamay ko narin yung cr at ibang parte ng bahay. Naipagtanong ko narin kay mama kaso hindi nya nakita. Leche nasan kaya yuuuuun T^T

Mga 8 dumating si Ate Galeen para ayusan ako. Stressed na stressed ako kasi hindi ko makita yung bracelet ko na bigay ni papa pero sinabi ni Ate Galeen na wala daw akong magagawa kung maiistress ako. Nangako rin sya saking tutulungan nya akong maghanap.

Minakeup-an ako ni Ate Galeen at inayusan ng buhok. Nakadress ako na kulay itim. Yung toga ko nakahanger pa. Mamaya ko nalang yun isusuot pag nasa school na. Nung tapos na akong makeup-an ni Ate Galeen ay umalis na agad kami. Si mama ang nagdrive para samin.

Si Ate Galeen nandun sa passenger seat tas ako nandito sa likod, katabi yung nakasabit kong toga. Si mama nakadress din sya. Si Ate Galeen nakaformal lang, kasi nurse nga diba sya sa school.

Nung nakarating kami sa school, mga 9:20 na. Pero hindi parin naman nagsisimulang maglakad. Ganyan naman talaga pag graduation e. Hintayan talaga. =____=

Nagpunta kami ni mama sa isang malilom na lugar. Si Ate Galeen nagpaalam at pupunta daw muna sya sa clinic saglit para may kunin. Sinuot ko yung toga kong puti tas hinawakan ko nalang yung cap ko. Yung cellphone ko nasa bulsa ng dress ko. Naupo ako sa mga upuan dun sa may hallway. Nariyon kasi din yung iba pang estudyante kasi di pa naman nagsisimula.

Napatingin ako sa may braso ko. Hindi ko parin mahanap yung bracelet ko. Hindi ko nga alam kung saan ko nawala yun e. Baka naman sa playground kahapon? Shet. Shet talaga T^T Sabi ko magpapakasaya ako ngayon, kaso, yung bracelet ko. T^T

Huminga nalang ako ng malalim. Nakita ko si Amy sa di kalayuan, naglalakad papunta sakin. Hindi nya pa suot yung toga nya kaya kitang kita ng lahat yung red nyang fitted dress habang rumarampa sya papunta sakin.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon