Chapter 13

914 22 1
                                    

{ Nicole Alexi Demontarema's POV }

Nagising ako kinabukasan na masakit ang ulo. Kinapa ko yung noo ko, di naman mainit pero masakit talaga ulo ko. Baka trangkaso. 

Tumayo ako at nagsipilyo saka naligo. Kahit nahihilo hilo ako ay pinilit kong kumilos. Sana pala uminom muna ako ng gamot bago naligo. Tanga. XD

Bumaba ako, naka pantalon tas naka kulay violet na tshirt. Practice ng graduation namin ngayon eh. Nilagay ko yung bag ko sa upuan sa tabi ko sa harap ng mesa tas naupo sa isang upuan. Humingi ako ng gamot kay mama habang kumakain ng agahan.

Nilapag nya yung tablet sa may harapan ko tas bumalik sa paglilinis ng bahay. Tahimik lang kami ni mama, walang nagsasalita. Yung nagsasalita lang sa bukas na tv yung maririnig mo.

Hanggang ngayon kasi, iniisip ko parin yung sinabi ni mama nung isang gabi.

Nung nakainom na ako ng gamot ay nagpaalam ako at umalis ng bahay papuntang school. Sinara ko yung front door at pagtingin ko sa may gate, nandun si Franco.

Ano kayang ginagawa nya dito? 

 

“ Hi, Nicole. " sabi nya sakin. Yung tono ng pananalita nya, tulad parin ng dati.

" Hi, Franco. " sabi ko habang naglalakad papunta sa gate. 

Ngumiti sya sakin at nginitian ko rin sya. Parang walang nangyari ah.

" Anong ginagawa mo dito? " tanong ko sa kanya.

" Bawal ba sabayan ang girlfriend papasok ng school? " sabi nya, nandun parin sa labi nya yung ngiti nyang simple lang.

 " Ahh. " sabi ko, tas lumabas ng gate.

Sumakay kami ng jeep. Wala saming kumikibo. Siguro, wala naman kaming masabi sa isa't isa. Kung meron man, di lang namin masabi sa isa't isa. Para kaming mga pipi at bingi. 

Bumaba kami sa may school. Tahimik parin kami. Ang sarap magpretend na naguusap kami. Kaso hindi. Kaya binabaling ko nalang yung atensyon sa mga bagay bagay na nakikita ng mata ko.

Nagpunta kami sa may quadrangle, kung san kami magpapractice. Nakita ko si Kenneth na nakaupo dun sa bato kung san kami nakaupo nung isang araw, nung sportsfest. Mukha na namang okay sya, kasi kumpara nung isang araw wala na yung black eye nya. 

Humiwalay sakin saglit si Franco at lumapit sa tropa nya. Hindi nagtagal ay tinawag kaming lahat ng teacher namin. Magsisimula na raw ang practice. 

Inayos nya ang seating arrangement namin sa graduation. Yung honors, nasa may first row. Tas saka susunod yung alphabetical. 

Valedictorian si Kenneth kaya sa unahan sya. Hindi naman nakapagtataka yon. Kung sino ang karaniwan na nagiging president ng student council, sya narin valedictorian. Pati si Amy nasa unahan rin. Salutatorian naman. Ang gagaling nila grabe. 

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon