Chapter 36

510 19 3
                                    

{ Third Person's POV }

Hila hila ni Dominic si Nicole papalabas dun sa lugar na maraming tao. Palabas sa building. Si Nicole naman ay medyo wala na sa sarili, miski rin si Dominic.

Sabik na sabik sya kay Nicole. Hindi nya mapiit ang sarili nya. Iba ang hatak nito sa kanya. Namagnet nga siya diba.

Nung medyo malayo na sa sibilisasyon ay binitawan na ni Dominic si Nicole. Natigil sila sa isang lugar na medyo may kadiliman. Medyo may kalamigan nung gabing yun, medyo mahangin pero tila hindi ito pansin nung dalawa. Naupo si Nicole dun sa sementong kalapit ng mga bulaklak. Si Dominic ay nakatayo parin minamata si Nicole.

"Alam mo-- Napanaginipan ko yung pinakamahalagang tao sa buhay ko-- kaso dalawa sila-- hindi-- hindi ko alam-- kung sino yung-- pipiliin-- ko-- " nauutal utal na sabi ni Nicole. Hawak nya parin yung baso na may alak at lumagok sya mula dito. Sobrang lasing na yung babae. Pabor naman ito sa lalaki dahil ito talaga yung gusto nya.

Dahan dahang nilapitan ni Dominic si Nicole. Hinawi nito ang buhok nung babae at hinaplos ang pisngi nito.

Lalo syang nasabik. Sabik na sabik.

" Ako nalang ang piliin mo nang hindi ka mahirapan. " sabi nito sa lasing na kasama.

Napatingin sa kanya ang lasing na si Nicole at ang mga mata ay punong puno ng halo halong emosyon.

" Talaga? " tanong ng babae sa kanya.

Ngumiti si Dominic kay Nicole.

" Oo naman. Ikaw kasi ang pinili ng puso ko. " sabi ni Dominic at hinalikan nya sa noo si Nicole. Medyo nawala na naman si Nicole sa mundong ibabaw dahil sa sobrang kalasingan. Hindi nya naiisip kung ano ang ginagawa ni Dominic sa kanya.

Unti unting bumaba ang mga halik ni Dominic kay Nicole. Hanggang sa nag abot ang kanilang mga labi.

Iba naman ang nasa isip ni Nicole habang nangyayari iyon. Bumalik sya sa panaginip nya, at naalala nya na naman yung lalaking yun.

Yung lalaking ayaw nyang mawala sa kanya.

Ibinalik nya ang halik kay Dominic sa pag aakalang ito ang lalaking nasa isip nya. Lalong naging mas agresibo si Dominic at nilagay nya ang kamay nya sa likod ni Nicole.

Sa di kalayuan makikitang tumatakbo si Kenneth, kasalukuyang hinahanap si Nicole. Pagbalik nya galing sa mga kausap nila ni Joyce ay nakita nyang wala na si Nicole. Nagsisisi sya dahil iniwan nya ito.

Hinanap nya si Nicole sa buong function hall ngunit hindi nya ito nakita. May nakapagsabi sa kanyang kasama ito ng isang lalaki, palabas sa hall kaya lumabas narin sya upang mahanap ito.

Nananakbo sya habang iniikot ikot ang kanyang mga mata-- nagbabakasakaling makikita nya si Nicole. Sa medyo di kalayuan ay may nakita syang lalaki-- may kasama pa yatang babae, naghahalikan dun sa may tabi ng flower bed.

Hindi nya na sana iistorbohin pa yung dalawa pero nakita nya yung pamilyar na kulay pulang damit. Kinutuban sya bigla.

Kalahating tumatakbo at naglalakad na si Kenneth. Napatigil sya sa tapat nung dalawa na syang dahilan ng paglingon nung dalawa.

Parang nilaglag mula sa langit hanggang sa sementong sahig si Kenneth ng makita nya si Nicole na nakatingin sa kanya. Halatang halata sa mukha nung lalaking kasama ni Nicole ang pagkairita at galit.

Lumapit si Kenneth papunta sa dalawa.

" Halika na Nicole iuuwi na kita. " sabi ni Kenneth tas hinawakan nya yung pulso ni Nicole.

Tatayo na si Nicole at sasama kay Kenneth ng biglang hawakan ni Dominic ang kabilang kamay ni Nicole.

" Kailangan ko sya. " sabi ni Dominic kay Kenneth. Blangko na ang emosyon sa mga mata ni Kenneth, para bang namamanhid na sya na hindi nya alam.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon