{ Nicole Alexi Demontarema’s POV }
Maaga akong nagpunta sa may sakayan. Siniguro kong mauuna ako kesa kay Kenneth para hindi sya yung magaabang para sakin. Awkward naman siguro kung ako yung nagyaya tas sya pa maghihintay sakin. Luuh.
Naupo ako dun sa waiting shed dun sa may sakayan habang hinihintay si Kenneth. Hanggang ngayon ay manghang mangha parin ako sa kanya. Dahil ang galing nyang maghandle ng mga problema, hindi lamang yung sa kanya kundi yung sa iba din. Tulad ko, lagi nya akong tinutulungan kahit lagi ko lang syang pinagtritripan noon. Napakabait na tao talaga nung mokong na yun. XD
Hindi nagtagal ay dumating narin sya. Nakasimpleng washed jeans at tshirt sya at sneakers. Sus. Uniform yata ng lalaking yan ang pantalon, tshirt at sapatos. Laging ganyan suot nya e. Hehe. Kelan ko kaya yan makikitang nakashorts? Lmao. :”””>
“ Hey. “ bati nya sakin. Kumaway nalang ako in return. Naglakad sya papalapit sakin tas nung wala nang ilang dipa ang layo namin sa isa’t isa ay nagsalita ulit sya.
“ Saan ba tayo pupunta? “ tanong nya sakin.
“ Basta. Malalaman mo pag nandun na tayo. “ simpleng sagot ko sa kanya. Gusto ko surprise talaga. XD Hahayaan ko muna syang magisip kung san kami pupunta.
“ Baka naman mamaya dadalhin mo ako sa inabandonang building tas isasabit mo ako sa kisame tas hahampasin mo ako ng stick hanggang sa mamatay ako? “ tanong nya sakin habang nakataas ang kilay.
“ Ganon na ba kababa ang tingin mo sakin? “ tanong ko sa kanya with matching sad face.
“ Hindi ah. Joke ko lang yun. Di ka naman natawa. “ sabi nya sakin sabay gulo sa buhok kong nakaladlad at medyo basa pa kasi bagong ligo lang ako. Tinanggal ko naman yung kamay nya sa may buhok ko at pinalo ito gamit ang kamay ko. Duh. Ano pa bang ginagamit sa pagpalo? XD
“ Sus. Tara na nga. “ sabi ko sa kanya. Tiningnan ko muna yung karatula nung jeep na nasa harapan namin bago ako sumakay. Nung sumakay na ako ay sumunod si Kenneth sakin. Magkatabi kami sa jeep. Umandar na yung jeep tas nagbayad na ako.
“ Libre na kita. Wag ka nang umangal ngayon lang to. “ sabi ko sa kanya. Napangiti naman sya dun.
Ang cute nung ngiti nya, seryoso. Ang genuine. Bihira lang ako makakita ng ganyang ngiti. Yung ngiting, hindi pinepeke hindi pinipilit. *U* Ngumiti rin ako sa kanya.
Medyo natagalan din kami sa byahe kasi traffic. Lagi namang traffic e sus. Tas bumaba kami sa harap ng isang mall. Opo. Mall. Dadalhin ko po ang valedictorian namin sa mall. XD
“ Mall? May mall naman na malapit sa bayan natin bat kailangan pang lumuwas? “ tanong sakin ni Kenneth.
“ Hindi lang naman kasi tayo basta basta magma-mall. Basta. Halika na! “ sabi ko sa kanya saka ko hinila ang kamay nya para makapasok na kami sa mall. Reklamo pa sya sa pagluwas eh nilibre ko na nga sya sa pamasahe. XD
Pumasok kami sa mall at agad kaming sinalubong ng lamig. *Q* Ang lamig sa loob! Ang init init kasi sa labas e. XD Naglakad naman ako hatak hatak parin si Kenneth. Uy ah. Hindi ako nananamantala! Baka kasi mawala lang sya sa loob ng mall. Alam nyo naman ang mangmang, madaling mawala. Jk.
BINABASA MO ANG
Kenneth Be Reached
Teen FictionFINISHED. I cannot reach you for we are two different things. You are the sky and I am the earth. We meet but never touch.
